_ngayon
^

PSN Showbiz

Paulo, maraming pinagpapasalamat

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Paulo, maraming pinagpapasalamat
Paulo.

Challenging times para sa lahat ang nagaganap na pandemic lalo na nga at parang hindi pa rin ito matatapos sa lalong madaling panahon. Ima­gine ECQ – enhanced community quarantine – na uli sa August 6 until August 20.

At kasama sa apektado ang actor na si Paulo Avelino.

 But despite the challenges, marami rin siyang ipinagpapasalamat.

Kasama na rito ang four back-to-back acting trophies in the past few months habang nasa kalagitnaan ng quarantine dahil sa covid-19 ang bansa. 

Last December nang manalo siyang Best Actor sa Metro Manila Film Festival para sa kanyang pagganap bilang dysfunctional and troubled version of himself sa pelikulang Fan Girl, na hindi lang nakatanggap ng mga papuri kundi naging topgrosser din sa kauna-unahang digital edition ng MMFF bukod pa sa trending film ito sa Netflix nang unang buwan nang pagpapalabas sa nasabing streaming site.

Sinundan ito ng another Best Actor trophy mula sa 4th EDDYS Awards (Entertainment Editors’ Choice) last April for the same role.

At last June, he was honored with two Best Actor awards sa 23rd Gawad Pasado Awards:  Best Actor for Film (Fan Girl) and Best Actor for Television for ABS-CBN Kapamilya drama Walang Hanggang Paalam.

At ito ngayon ang nagbibigay ng inspiras­yon kay Paulo para mas galingan pa niya ang trabaho.

Sa kasalukuyan ay ginagawa niya ang new teleserye for ABS-CBN and Dreamscape. Isang new light drama series entitled Marry Me, Marry You. First television pairing nila ito ng award winning actress na si Janine Gutierrez, kung saan gaganap sila bilang newly-married couple na daraan sa troubles and changing expectations attached to married life.

Aside from his acting work, abala rin si Paulo sa dati lang niya lang passion na online gaming pero ngayon ay isang negosyo na.

Nakipag-partner siya sa young businessmen para patakbuhin ang Lupon WxC, a company that broadcasts online games and events na patok sa maraming gamers. He also helps run and manage Execration, an e-sports team. 

Well, ayon kay Paulo, business has been doing well, especially now that more people have more time to pursue online gaming at home dahil nga hindi pa rin pinapayagang lumabas ang lahat dahil naman sa pag-eksena ng Delta variant. 

Kahapon nga ay lumobo uli sa 8,562 ang new positive cases.

 

 

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with