_ngayon
^

PSN Showbiz

KathNiel, naghahanda sa bagong serye at pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
KathNiel, naghahanda sa bagong serye at pelikula
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kinumpirma sa amin ni Daniel Padilla na isang bagong teleserye at isang pelikula ang pinaghahandaan nila ngayon ng kasintahang si Kathryn Bernardo.

Taong 2018 pa huling nagkatambal ang magkasintahan sa pelikulang The Hows of Us. Sa kasagsagan naman ng pandemya ay naipalabas ang seryeng The House Arrest of Us nina Kathryn at Daniel noong isang taon at nagtapos nitong Enero lamang. “Serye muna kami, may meeting kami very soon for a movie. The last movie na dapat gagawin namin ni Kathryn hindi natuloy. Biglang nagka-pandemic, bawal nang bumiyahe. The story was based para talaga sa America. Kung hindi mo siya gagawin doon, hindi puwede,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Samantala, ipalalabas sa Locarno Film Festival sa Switzerland ang pelikulang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) na pinagbibidahan nina Daniel at Charo Santos-Concio simula August 4.

Simula September 9 naman ay sa Toronto International Film Festival sa North America ipalalabas ang naturang proyekto. Ayon kay Daniel ay talagang isang mala­king karangalan na makapagbida sa isang makabuluhang pelikula. Ibang-iba raw ito sa lahat ng kanyang mga nagawa noon. “I’m very excited because it’s different from the movies that I make. Kasi ‘di ba siyempre galing kaming Star Cinema with the romcoms, the dramas. Ito, ibang-iba ‘yung atake ng film. Iba ‘yung feel,” pagbabahagi ng aktor.

Kim at Jerald, nahirapan sa umpisa ng live-in setup

Pitong taon nang magkarelasyon sina Kim Molina at Jerald Napoles. Nagsasama na rin sa iisang bubong ang magkasintahan kaya talagang kilalang-kilala na nila ngayon ang isa’t isa. “As we grow old talagang may madi-discover ka pa sa bawat isa. Ang mahirap sa pagsasama sa iisang bubong ay kung paano ka magiging honest sa pinagdadaanan mo bilang indibidwal. Kailangang gawin mo ‘yon sa partner mo para matulungan ka. ‘Yon din naman ang masarap do’n, na kapag nangailangan ka ng tulong, kailangan mo ng partner sa buhay since nandiyan lang siya sa tabi mo,” paglalahad ni Jerald.

Para naman kay Kim ay maraming mga bagay pa ang kanyang nadiskubre sa sarili mula nang makasama sa bahay ang aktor. “Marami pa po akong nadi-discover same as Jerald sa sarili ko. Nando’n ako sa transition na, ‘Ah, eto pala ‘yung gusto kong gawin in the long run. Mas lalo kong nare-realize na tama ang naging desisyon ko to be with him. Kasi magkapareho talaga kami ng mga gusto sa buhay,” pahayag ni Kim.

Aminado ang aktres na talagang nahirapan siya noong una sa live-in setup nila ni Jerald. “Mahirap naman ‘yung adjustment. Nandoon pa rin naman po kami lalo na sa akin ngayon since pandemic pa rin. I’m adjusting to living with him without my family kasi malayo sila. So nandoon ako sa pag-a-adjust ko na ako’y may bagong taong kasama sa iisang bubong. Pero masarap sa feeling na nandiyan lang din siya,” pagtatapat ng aktres. Reports from JCC

 

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with