_ngayon
^

PSN Showbiz

Susan, malakas pa sa edad na 80!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Susan, malakas pa sa edad na 80!
Susan.

Birthday ni Susan Roces ang buwan ng July. Halos lahat nag-akala na dahil 80 years old na si Manang Inday, isang malaking celebration ang ibibigay ng anak na si Senator Grace Poe.

Pero dahil sa pandemic, mas gusto ni Susan na maging celebration ng thanksgiving at pagbibigay ang kanyang kaarawan. ‘Yung mga cha­rity project ni Sen. Grace ang mas inuna niya, at isang intimate dinner at mass ang ginawa bilang thanksgiving sa kaarawan niya.

Ang gandang makita na hanggang ngayon healthy pa rin at aktibo ang isang Susan Roces na lagi pa ring napapanood sa FPJ’s Ang Pro­binsyano.

Maganda pa rin ang mukha at masigla pa rin ang kilos.

Siguro nga dahil alam niya na nandiyan pa para gabayan niya ang anak na si Sen. Grace kaya meron pa siyang lakas at sigla.

Icon ng showbiz si Manang Inday, respected actress, isang institusyon na igagalang mo sa habang panahon.

Happy birthday, Ms. Susan Roces.

Bakunado, mas uso na!

Katawa talaga ‘pag hindi na puwedeng lumabas ‘pag hindi ka bakunado. Dapat naman talaga na magkaroon na tayo ng strict na panuntunan tungkol sa bakuna. Nakapagtataka na kahit pa nga heto at patuloy ang danger ng COVID-19, tigas pa rin ng ulo ang pinaiiral ng ilang tao.

Dapat nga ‘yung mga nagtratrabaho, ‘pag hindi bakunado, huwag payagang pumasok. Totoo naman na baka maging spreader pa ‘yung walang bakuna.

Pero sana rin sapat na ang supply natin ng bakuna para sa lahat. Kasi baka tawag tayo nang tawag para magpabakuna, kulang naman pala ang gagamiting bakuna. Tiyakin muna natin na meron nga, dahil hayan, ang dami nang nakapila, baka hindi naman mabigyan lahat iyan. Dapat gusto natin ng bakuna, at heto, merong bakuna.

 

SUSAN ROCES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with