_ngayon
^

PSN Showbiz

Sanya, babae naman ang gustong maka-partner!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sanya, babae naman ang gustong maka-partner!
Sanya

Walang paki ‘pag napagkamalang lesbian...

Babae naman ang gustong maka-partner ni Sanya Lopez.

Yup, you read it right.

At ang type niyang makasama, si Solenn Heussaff.

Gusto niyang ma-challenge uli at feeling niya, mabilis silang magsa-swak ni Solenn. “I think si Solenn Heussaff kasi ang hot niya and feeling ko kaya niya agad kumonek sa akin. Also Glaiza de Castro and Rhian Ramos kasi I saw them before in a show, so what kaya if sila naman ang ipareha sa akin.”

So hindi ba siya takot, mapagkamalang lesbian?

“Hindi naman, kasi ako, lagi akong nakasalalay dun sa magandang magiging resulta nung project na gagawin ko. So kung ano man ‘yun ibig sabihin kapag inisipan nila akong lesbian talaga ako sa totoong buhay it means effective,” sagot ni Sanya  sa Zoom chikahan with the press pagkatapos niyang mag-renew ng contract with GMA Artist Center.

At kung ang iba ay nagka-anxiety dahil nawalan ng trabaho, siya naman ay sunud-sunod ang naging break. “Yes, during the pandemic, doon talaga gumanda ang takbo ng career ko. To think na second choice lang ako sa First Yaya and I did Agimat pa. Ang daming blessings na dumating sa akin bigla. Even sa TikTok, millions na ang followers ko. So panay talaga ang pasalamat ko kay Lord. Sabi ko, ‘di ko alam kung bakit ang bait Niya sa akin. This pandemic, lahat kami sa family very healthy, walang nagkakasakit. So I feel blessed and sana, ‘yung ibang mga tao rin, okay sila at ang prayer ko, matapos na itong pandemya para mabalik na tayo sa dating buhay nating na nakakalabas tayo nang walang takot.”

Ayaw naman i-confirm ni Sanya ang Book 2 ng Agimat ng Agila with Sen. Bong Revilla. “Nakadepende kay Senator Bong. Siya po ang mas nakakaalam at excited po kami kung ano man pong maganap. So far siya po ang nakakaalam.”

Samantala, mapapanood sa darating na Sabado (July 31) ang Kapuso actress sa Wish Ko Lang. Bibida siya sa huling installment ng month-long special episodes ng programa para sa ika-19th anniversary nito.

Makakasama niya sa episode na To Love Again sina Rita Avila, Anjo Damiles, Arny Ross, Yesh Burce, at Pipay. Mapapanood ang Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales pagkatapos ng Tadhana sa GMA.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with