_ngayon
^

PSN Showbiz

Cinemalaya movie na Pugon, tinutukan ang child labor

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Cinemalaya movie na Pugon, tinutukan ang child labor
Pugon

Parang kapos ang 19 minutes and 40 seconds para sa short film na Pugon (The Furnace). Sa trailer at kuwento ni Direk Gabby Ramos, hindi kaya ng nasabing oras ang buong pelikula.

Interesting at mapapaisip ka, ay oo nga marami palang mga ganitong pangyayari na hindi masyadong nakikita ng karamihan. “Ang maikling pelikulang ito ay tungkol sa child labor, tungkol sa mga anak na naiprenda ng sarili nilang mga magulang, mabuhay lamang ang kanilang pamilya.

“Pero sa pelikulang ito ay hindi ka makakakita ng mga batang nagpapakahirap sa minahan. Hindi ka rin makakakita ng mga batang nasadlak sa prostitusyon o mga musmos na pinahihirapang maglakad sa bundok para mag-buhat ng mabibigat na troso, o ‘di kaya’y mamalimos sa lansangan.

“Sa halip, ito ay magpapakita ng mga batang maaaring minsan mong naging kalaro, kaibigan o naging kasambahay. Sila ang mga batang isinanla ng kanilang magulang bilang pambayad sa kanilang pagkakautang – kapalit ang kanilang kamusmusan at pagiging inosente,” paliwanag ni Direk Gabby na kilala ring audio visual director.

Ito rin diumano ay paglalantad ng reyalidad na sa ating bayan ay normal na setup ang ganito. “Nakakatawa mang isipin na ang alam nating panuntunan na gagawin lahat ng magulang, mabuhay lang ang kanyang mga anak ay taliwas sa totoong nangyayari sa iba nating kababayan,” dagdag pa ng direktor na siya ring may-ari ng Remedios Entertainment Production (REMS Films).

Intention din umano nilang ipakita kung normal ba ito at umaasa siyang masagot ang mga katanungang: Meron bang dapat sisihin? Meron bang dapat gawin?

“At para sa mga bata na nagtratrabaho para lang mabayaran ang pagkakautang ng kanilang mga magulang: Maaari ba silang tumanggi? Maaari ba silang mamili ng kanilang kinabukasan?”

Starring Andrea del Rosario, Soliman Cruz, and introducing Jhassy Busran, Cassie Kim, and Bamboo B.

Ito ang initial venture of Rems Films, Pugon is part of the Indie Nation exhibition section ng Cinema­laya 2021. Slated to be streamed from Aug. 6 to Sept. 5, 2021 via  .

Sukdulan sa bagong erotic movie

CINEMALAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with