_ngayon
^

PSN Showbiz

Aj Raval, binayaran ang utang ng BF

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Aj Raval, binayaran ang utang ng BF
Aj Raval
Mula sa Instagram account ni AJ Raval

Na-stress pala ang sexy star na si AJ Raval nang nabaon sa utang ang ex-boyfriend niya dahil sa sugal.

Nabanggit ito kahapon ng sexy star sa Zoom presscon ng latest erotic movie niyang Taya.

Yup, sunud-sunod nga ang erotic movie ng anak ng action star na si Jeric Raval pero sabi ng director nilang si Roman Perez Jr., ito na ang pinakasukdulan. Partner ni AJ dito ang Anak ng Macho Dancer star na si Sean de Guzman.

Ito ay tungkol kay Sixto (Sean de Guzman), isang Journalism student na nakadiskubre na ang babaeng lagi niyang pinagpapantasyahan ay isa sa mga premyo sa isang online “ending” na laro. Agad-agad siyang tumaya at masuwerte siyang nanalo sa laro.

Ngunit dahil nagkamali siya sa pagtaya, hindi niya napansin na ibang babae ang kanyang natayaan; isang babaeng nagngangalang Nanette (AJ Raval). Pagkatapos ng ilang sexual encounters, naadik si Sixto kay Nanette at nangako ito na babawiin siya sa sindikatong may hawak sa kanya na ang tingin lang sa kanya ay isang premyo na pagkakakitaan.

Galing sa dalawang Vivamax hit movies si AJ na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Death of a Girlfriend.

Mas nagiging daring daw si AJ sa bawat pelikulang ginagawa, kaya naman nakikilala na siya sa bansag na Bagong Pantasya ng Bayan.

Pero ayon kay AJ may improvement na ang ac­ting niya sa Taya at slowly, naiintindihan na ng tatay niyang actor na trabaho ang ginagawa niya.

Mag-i-stream ito, umpisa sa August 27 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

AJ RAVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with