Ian, Kapamilya pa rin
Kapamilya pa rin si Ian Veneracion.
Gaganap nga siya na isang misteryosong karakter sa pagpasok niya sa inspirational teleseryeng Huwag Kang Mangamba kasama sina Andi Abaya, Nash Aguas, Vivoree Esclito, Richard Quan, at Andrea del Rosario.
“I’m really excited kasi si Elias, darating siya sa buhay ni Mira. Pero hindi ko puwedeng sabihin sa inyo kung kaibigan ba siya, kalaban ba siya, mabait ba siya o masama. May pagka-surprise ‘yun eh so excited ako para sa character ko,” pahayag ni Ian sa script-reading video ng cast na inilabas ng Dreamscape Entertainment.
Napapanood ang serye gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.
- Latest