_ngayon
^

PSN Showbiz

James bida sa sariling K-drama, crush noon ni Hidilyn?

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
James bida sa sariling K-drama, crush noon ni Hidilyn?
James.

Wow oppa na oppa ang dating ni James Reid with speaking line in Korean sa kilig-filled scene in Mountain Dew’s latest online video.

In all fairness, sobrang bagay sa kanya ang signature wavy locks to a very Itaewo­n-esque bowl cut.

Siya nga kasi ang bida sa K-drama inspired parody na bahagi ng new campaign ng Mountain Dew na ‘Mas Cool Pag May Ice.’

Grabe ang pagkaadik ng maraming Pinoy sa K-drama kaya naman super relate sila sa nasabing online video ni James na kasalukuyang inactive ang showbiz career.

Parang sa K-drama na yata kasi nakababad ang karamihan sa atin kaya apektado na diumano ang rating ng maraming TV shows at aminado rito ang ibang TV producers ha.

Pero dahil minsan bitin pa ang karamihan sa panonood sa mga favorite streaming service nila kahit babad na sila, parang ayaw nang ipahinga ang mga mata.

By the way, si James nga pala ang showbiz crush ni Hidilyn.

Pinaalala ng fans ni James ang sinabi  ni Hidilyn after ng panalo niya sa Rio Olympics sa interview ni tito Boy Abunda na si James ang binanggit niya nang tanungin kung sino ang showbiz crush niya.

In fact, meron pa nung photo ni Hidilyn sa standee ni James na nahalungkat ang fans ng actor.

Ngayon kaya si James pa rin ang crush ng gold medalist ng bansa sa Olympics?  

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with