_ngayon
^

PSN Showbiz

Donny at Belle, nagsusuportahan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magtatapos na ang He’s Into Her na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan kaya aminado ang dalawang marami silang mami-miss sa serye. Matatandaang 2019 pa nang simulan ang mga preparas­yon para sa naturang proyekto. “Ang dami kong mami-miss. Of course ‘yung bond namin ng cast. Parang kailan lang naggo-go see pa lang kami, look test, script analysis, inaaral pa lang namin ‘yung mga characters namin and now we’re ending. Sobrang mami-miss ko ‘yung mga days na nasa shoot kami. Naka-lock-in kami in one place na parang high school kaming lahat,” pagbabahagi ni Belle.

“Mami-miss namin ‘yung when all of us are together, ‘yung mga bonding moments namin. But I feel like that will continue naman kasi pamilya ko na ‘to eh. I think we jive really well and parang bumalik ako ng high school talaga na ‘yung barkada ko. First time kong na-feel grabe. Ang cool lang na pwede pala mangyari ulit ito,” dagdag naman ni Donny.

Sinasabing ang tambalan nina Donny at Belle o mas kilala sa tawag na DonBelle ang susunod sa mga yapak ng mga pinakasikat na love teams ng ABS-CBN. Ayon sa aktor ay hindi naman nila iniisip ni Belle ang tungkol dito at sa halip ay ginagawa lamang nila nang maayos ang mga trabahong ibinibigay sa kanila. “Belle and I are very focused naman. Honestly, we don’t want to get super pressured na parang everything we do, we have to think about it. Kung ano ‘yung nakikita n’yo ‘yun lang kami and I think supportive lang kami sa isa’t isa. Obviously, we’re very overwhelmed with the support and we are humbled by the support,” paliwanag ni Donny.

“Basically, just by supporting each other. Feeling ko ‘yon ‘yung key kung paano namin naha-handle ‘yung pressure. Supporting each other and just being there,” pagtatapos naman ni Belle

Bela, kinabahan nang idirek si Zanjoe

Matagal nang nauugnay sa isa’t isa sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo.

Usap-usapan na noon pa man na mayroon diumanong espes­yal na namagitan sa dalawa. “Z and I were never really a couple. We weren’t boyfriend-girlfriend. We did date a few times, but that’s it. We didn’t really date, hindi naging kami,” paglilinaw ni Bela.

Hindi man nagkatuluyan bilang magkasintahan ay nanatili naman ang magandang relasyon nina Bela at Zanjoe bilang magkaibigan. “Zanjoe is really a good friend. Before we tried to date, we were friends first, para siyang barkada. It’s nice to have friends that you can rely on in the industry. I am happy that we were able to bring that back. Or to start the friendship again,” dagdag ng dalaga.

Aminado si Bela na talagang kinabahan siya kamakailan bilang direktor ni Zanjoe para sa pelikulang 366 Matagal-tagal na rin daw kasing hindi nakakapag-usap ang dalawa kaya nakaramdam ng kaba si Bela nang muling nakita sa set si Zanjoe. “I was super nervous because we hadn’t really spoken in four years. We didn’t have a chance to see each other anywhere in the last four years. Unang kita namin was in the Zoom story conference. I tried to make it as comfortable as possible for everyone, not just for Zanjoe. He was able to get into our barkada. The first scene, I was so scared to direct him. I was scared nakalimutan ko ano ‘yung sinisigaw before ‘action!’ sa sobrang kaba ko, nakalimutang sabihin ‘yung lights and camera. Kinabahan lang ako,” kuwento ng aktres. Reports from JCC

BELLE MARIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with