_ngayon
^

PSN Showbiz

Ivana,international collaborations naman ang tina-target

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ivana,international collaborations naman ang tina-target
Ivana
STAR/ File

International collaborations naman ang target ngayon ng sexy star at YouTuber na si Ivana Alawi ngayong siya ang calendar girl ng Tanduay. “Ang daming nangyari mula nang maging calendar girl ako. Now, I am looking forward na magkaroon ng international collaborations since Tanduay is a global brand na kilala sa iba’t ibang panig ng mundo,” aniya sa isang previous interview.

Naniniwala rin siyang anumang pagsubok ay kaya nating lampasan ngayong pandemya pa rin. “Pinadapa man tayo ng pandemya, kaya naman nating bumangon kung magtutulungan tayo.

“Anumang pagsubok kaya nating lagpasan, kung magpapakatatag lang tayo at magtiwala sa Diyos,” banggit niya.

Samantala, itinuring ng sexy star na mas aktibo na ngayon bilang isang vlogger na isang malaking karangalan ang maging calendar girl ng Tanduay. “Sobra akong na-excite noong kinuha nila akong calendar girl. Proud ako na i-represent ang isang brand na hindi lang Pinoy-made kundi kilala sa buong mundo,” ani Ivana.

Sa kabila ng pandemya, maituturing ding ‘lucky charm’ ng Tanduay ang social media influencer dahil nahigitan nito ang target nito noong 2020.

IVANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with