_ngayon
^

PSN Showbiz

Maymay, nakabili ng bahay sa Japan

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay, nakabili ng bahay sa Japan
Maymay
STAR/ File

Limang taon na ang nakalilipas nang tanghalin si Maymay Entrata bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother Lucky 7. Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya mula noon pa man. “Gusto ko lang magpasalamat nang sobra-sobra dahil sa pagmamahal at genuine na support n’yo po sa akin since day 1 po. Maraming salamat dahil kahit anong nangyari ay nararamdaman ko na karamay ko kayo dahil tayo nga po ay Kapamilya. Lagi kong iti-treasure ‘yon talaga saan man ako mapunta. Itong napaka-espesyal na journey na ito ay hindi ako magsasawang i-share siya sa mga tao at sa mga nagsisimulang nangangarap na katulad ko. Maraming salamat,” pahayag ni Maymay.

Samantala, sa loob ng limang taon ay nakapagpundar na ng isang bagong bahay para sa inang nasa Japan ang aktres. “Isa ‘yon sa sukli ko sa mga sakripisyo na ibinibigay niya sa akin simula noong nawalay siya sa akin. Napakalaki kasing sakripisyo ang mawalay ka sa anak mo. Habang tumatanda ako, lalo kong naiintindihan bakit niya nagawa ‘yon, bakit siya malayo sa akin kahit kailangan ko siya, para lang lang din maibigay ang pangangailangan ko sa araw-araw. Masayang-masaya ako na parang ito ang oras ko para maibalik ko ang sakripisyo na ibinigay niya para sa akin,” paglalahad ng aktres.

Jowa ni Robi nagselos kina Kristel at Shine

Halos tatlong buwan napanood sa Kapa­milya Channel ang Aja! Aja! Tayo sa Jeju kung saan tampok sina Robi Domingo, Shine Kuk, Kristel Fulgar at Donny Pangilinan. Ilang linggong nanatili sa Korea ang buong grupo noong 2019 para sa taping ng labing-isang episodes ng programa na nagtapos noong isang buwan lamang.

Nasubaybayan umano ng kasintahan ni Robi na si Maiqui Pineda ang natapos na programa. Ayon kay Robi ay pinagselosan ng nob­ya sina Kristel at Shine dahil sa ilang eksenang ginawa sa Korea. “Hindi naman sobrang selos na napunta sa galit talaga. Pero during that time na nagiging close ako sa mga kasama ko roon, kina Kristel at Shine. Ang sinabi sa akin ni Maiqui, ‘Why do you have to do that? Why do you have to be clingy?’ nagtatanong, sabi ko, ‘Maiqs, ano lang ‘yan, stint lang ‘yan.’ ‘But yeah, why do you choose to do that?’ So parang ako, ‘Maiqs, teka lang ha.’ So tumawag ako sa EP (Executive Producer), ‘Bakit naman kasi pinalabas ‘yang ano?’” nakangiting kuwento ni Robi.

Naunawaan naman daw ni Maiqui ang mga pangyayari lalo pa’t trabaho lamang naman talaga ang ginawa ni Robi sa Korea.  “In-explain ko naman sa kanya. We just have to reassure her na teka lang, okay lang ‘yan.” giit ng binata.

Nakatakdang magdiwang ng kanilang ika-tatlong anibersaryo bilang magkasintahan sina Robi at Maiqui sa susunod na buwan. (Reports from JCC)

PINOY BIG BROTHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with