_ngayon
^

PSN Showbiz

Hidilyn, nasapawan ang SONA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Everybody loves a winner!” sabi nga nila.

Pagkatapos pumutok ang balitang nasungkit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gold mula sa Olympics para sa ating bansa, dagsa na ang mga bumabati sa kanya na ipinu-post sa kanilang social media account.

Biglang naungusan ng #HidilynDiaz ang #SONA na nag-trending sa Twitter noong nakaraang Lunes.

Hanggang ngayon ay trending pa rin si Hidilyn, at masaya lang na ito muna ang napapag-usapan at pansamantalang natakpan ang balitang Delta variant na parami nang parami ang nahahawa.

Ang galing din ng ilang netizens na nakalkal pa nila ang ibang mga post na binaba-bash dati si Hidilyn, pero ngayon ay kinu-congratulate na at sinusuportahan.

Ang dali rin kasing mag-sway ng iba noong panahong nasa gitna ng mga isyu ang magaling na weightlifter, tinitira pa nila ito lalo nung may mga hinaing pa si Hidilyn sa suportang hinihingi niya.

Ni-repost tuloy ng iba ang dating IG post ni Hidilyn tungkol sa pangangalap niya ng financial support na gagamitin niya sa training niya para sa Tokyo Olympics.

Sinabi ni Hidilyn na okay lang daw na manghingi na siya ng financial support sa private companies para gagamitin niya sa Tokyo 2020. “Sa tingin niyo okay lang kaya, nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics.”

Kaya pagkatapos niyang makuha ang gold, pawang pasasalamat sa Diyos ang namutawi sa kanyang bibig.

Sa interview sa kanya ni Gretchen Ho, pawang pasasalamat sa Diyos ang sinasabi niya na alam niyang ang Diyos ang nagbigay sa kanya ng lakas para makamit ang inaasam niyang gold para sa ating bansa. “Nasorpresa ako na nagawa ko ‘yun. Kakaiba si God!

“Lahat na mga prayer warriors ko diyan sa Pilipinas, thank you so much. Sa team HD at sa lahat na sumuporta sa akin, thank you so much for believing in me.

“When the times na hindi…alam n’yo na gusto ko nang sumuko dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan, nakaya nating mga Pilipino.

“Sa lahat na pinagdaanan ko, prinepare ako ni God to be strong today. Thankful ako sa team HD na ginawa akong palakas.

“Hindi ako makapaniwala na nandun ang pangalan ko sa Olympic record. Grabe! Grabe si God!”

Sabi nila mahigit P35M ang makukuha ni Hidilyn mula sa gob­yerno at sa private sponsors.

Inaasahan ang pagbalik kaagad ni Hidilyn sa bansa dahil may rule sa Tokyo Olympics na after 48 hours nang paglaro ay kailangang umalis na bumalik ng sariling bansa dahil sa COVID restrictions.

Flight attendant ­napaghandaan ang Miss Supranational

Matapos i-postpone ang Miss World Philippines noong nakaraang Linggo, July 25 dahil sa GCQ uli ang NCR with heightened restrictions itinuloy naman nila ang pagpili sa title na Miss Supranational 2021 dahil kailangang umalis na ito sa August 3 patungong Poland para sa nakatakdang competition sa August 21.

Ang ginawa ng MWPO (Miss World Philippines Organization) na pinangunahan ng national director na si Arnold Vegafria, mismong mga kandidata ang nag-judge kung sino ang karapat-dapat na putungan ng koronang Miss Supranational.

Halos unanimous ang decision ng mga kandidata na ibigay ito kay Dindi Pajares, isang flight attendant na taga-Bataan.

Hindi makapaniwala si Dindi dahil nung sumali raw siya sa Miss World Philippines, ang Miss Supranational daw talaga ang gusto niyang makuha.

Parang nakatono na raw sa utak niyang ito ang makukuha niyang title kaya pinaghandaan na raw niya ang requirements para makakuha ng Shengen visa.

“Before competing for Ms. World-Philippines, I already gather all my supporting documents so that I can apply my Shengen visa immediately after winning.

“Kasi nandun na ‘yung mindset ko eh. I’m aiming for this crown so kailangan kong i-prepare ang lahat na requirements like Shengen visa,” pahayag ni Dindi nang humarap ito sa ilang miyembro ng media na ginanap sa Anabelle’s Restaurant, QC noong nakaraang Lunes.

Nakatakda na nga siyang umalis pa-Poland kaya bale walong araw na lang daw ang preparasyon niya.

Kasama ni Dindi na ipinakilala sa press ay ang ilalaban naman sa Mister Supranational na lalaban din sa Poland sa August 22.

In-appoint ng MWPO ang isang Mixed Martial Arts expert na si John Adajar para lumaban dito.

Naging Ginoong Laguna si John noong 2014 at sumali rin siya sa iba pang kumpetisyon, pero mas nag-focus siya ngayon sa mga laban niya sa MMA competition at naging welterweight champion siya.

Sa tingin daw niya ay malaki ang magagawa ng pagiging MMA expert niya sa pagsali niya sa Mister Supranational 2021. “Being a fighter, you should be disciplined. You have to be responsible, and you have to be fit,” sabi ni John Adajar.

 

SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with