_ngayon
^

PSN Showbiz

Alfred, naka-focus sa future ng pamilya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, naka-focus sa future ng pamilya
Alfred
STAR/ File

Ngayon na may master’s degree na si Alfred Vargas masaya na siya na harapin ang acting career.

Kahit naman noon pa, bago pumasok sa showbiz, college grad na si Alfred. Kaya nang pasukin niya ang pulitika handang-handa siya. Now naman na tutulong na lang siya sa political career ng kapatid na si PM Vargas na tatakbong congressman sa QC, balik-showbiz si Alfred pero tinapos muna niya ang kanyang master’s.

Bongga talaga ang focus ni Alfred sa future niya, inihahanda niya talagang mabuti ang sarili sa lahat ng haharapin para sa kinabukasan.

Ang suwerte talaga ng asawa niyang si Yasmine dahil nakahanda ang kanyang mister para sa kinabukasan nila pati na para sa kanyang dalawang anak.

Bongga ka talaga, Alfred Vargas. Kaya naman sure ako, a good future for your family, dahil pinaghandaan mo talaga.

Pangulong Duterte, binagayan ng kulay ng foundation

Grabe ang haba ng SONA (State of the Nation Address) ni Papa Digong.

Halos tatlong oras at bongga siya, natagalan niyang magsalita nang nakatayo nang ganun katagal ha.

Dapat permanent na ang make-up artist niya, ang ganda ng application ng foundation, at dedma ang blush on, natural looking at parang ang ganda ng skin ni Papa Digong. Give niya ng malaking tip ang kung sinuman ang nag-make up sa kanya, dahil pati hair niya, healthy looking.

Sa boredom ko sa haba ng speech ni Papa Digong, iyon na lang makeup ang napuna ko, ito na ang pinaka-perfect color ng foundation para sa kanya.

Talagang tinapos ko ang SONA dahil last na nga sa termino ni Papa Digong. Pero ‘yung issue ng drugs, corruptions, every year ko nang naririnig.

Siguro dahil mas masa ang fans ni Papa Digong, mas may dating kung nag-Tagalog siya. Sa lahat ng Presidente, pinaka-colorful ang language ni Papa Digong lalo na ‘pag napapamura siya kung minsan.

Pero ‘yun nga, mas kapit-masa pa siguro kung Tagalog ang SONA niya.

Dapat din ‘yung mga invited sa SONA alam na maraming kamera, katawa ‘yung tinatamaan ng lente na tulog, inaantok, mukhang hindi nakikinig, ang likut-likot na hindi mapakali. Buti na lang naka-face mask sila, kundi makikita ng tao ‘yung mga politician na hindi naman nakikinig sa sinasabi ng Presidente.

Masarap na human study talaga ang panonood ng mga ganitong okasyon. Very exciting kahit wala na ‘yung pabonggahan sa red carpet dahil nga pandemic. Pero sa totoo lang, grabe ‘yung energy mo para magsalita ka nang halos tatlong oras ha, at nakatayo.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with