_ngayon
^

PSN Showbiz

Rabiya, pangarap magka-punerarya!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Rabiya, pangarap magka-punerarya!
Rabiya.

Oww isa pala sa mga negosyong gustong pasukin ni Miss Universe-Philippine Rabiya Mateo ay ang funeral parlor.

Ito ang inamin niya sa kanyang latest vlog na 24 Facts About Me.

“Isa sa business na gusto kong itayo in the future is punenarya. Hindi naman natin ‘yun hinihingi, ‘di ba? That’s the cycle of life.

“And aside from that, hindi ko rin kasi gusto ‘yung make-up ng patay sa probinsya. Parang feeling ko nilalagyan lang sila ng parang puting foundation tapos parang kinikilayan lang sila. 

“Gusto kong magkaroon ng punerarya and gusto ko maganda ‘yung makeup ng mga kliyente ko,” sabi ng beauty queen na bilang na ang number ng araw sa kanyang hawak na korona.

Fact number 19 ang nasabing plano niya in the future.

Sinasabing papasok na sa showbiz si Rabiya pero wala pa siyang binibigay na details.

Di kilala...

Actress, tinanggihan sa ex-deal ng isang resort

Aww kahit pala medyo maingay na ang pangalan ng isang actress dahil sa kanyang teleserye, marami pa ring hindi siya kilala lalo na outside NCR Plus.

Nag-message kasi ang isang friend ni actress sa isang resort owner kung puwede itong mag-ex deal.

Pero instead na i-entertain ni resort owner, nagtanong ito sa Facebook friends niya ‘who is (name ng actress)? Is she famous?’

“Sikat ba siya? her handlers requesting ex deal at (name ng resort) for free stay. So far we have not given a free stay to any artista. Hahaha. Because I prefer to treat friends only and people I like. Hahaha,” ang buong message ni resort owner.

Hmm. In all fairness may following si actress sa social media.

‘Yun nga lang, ‘di mo alam kung boosted ang account niya or nagbayad ba para rumami ang followers.

Uso lately ngayon ang ex-deal sa mga social media influencer.

Ibalik... at SONA, naglaban sa no. 1 trending

Nag-trending kahapon bago pa man nag-umpisa ang State of the Nation Address ni Pres. Duterte sa Batasang Pambansa ang #IbalikAngABSCBN.

As in talagang kinarir ng Kapamilya fans ang pagti-tweet para iapelang pagkalooban uli ng franchise ang network dahil wala itong nilabag na batas.

Umabot sa number 1 trending ang nasabing hashtag.

Pero naka-take over din sa number 1 ang #SONA2021 pero hindi nagtagal at napalitan ito ng ibang trending topic.

Maging ang #MorisetteLupangHinirang ay nakasama sa Top 10 trending kahapon. Siya ang umawit ng Lupang Hinirang sa huling SONA ng pangulo ng bansa.

 

 

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with