_ngayon
^

PSN Showbiz

Angel, natatakot kaya nagiging palaban

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel, natatakot kaya nagiging palaban
Angel.

Isa si Angel Locsin sa mga artistang aktibo sa pagbibigay ng opinyon lalo na sa usaping pang-lipunan. Itinuturing ng marami na talagang matapang ang aktres at bukas sa publiko kung ano man ang kanyang nararamdaman. “Ako kasi pinalaki ako ng tatay ko na maging totoo ako sa sarili ko at huwag na huwag kang papayag na mayroong injustice na nangyayari sa paligid mo. Maraming bagay na mas importante bukod sa sarili mo. Lagi sa akin sinasabi ni daddy na hindi lahat ng bagay tungkol sa ‘yo. Maraming pinagdaraanan ang ibang tao, hindi lang ikaw ang may problema. Tumatak lang sa akin ‘yon. May mga pagkakataon na nakakalimutan ko rin ‘yon pero kailangan ko siyang ibalik lalo na sa trabaho natin,” paliwanag ni Angel.

Aminado naman ang dalaga na nakararamdam din ng takot sa tuwing nagpapahayag sa publiko ng kanyang damdamin. “Takot ako kaya ako nagsasalita. Kasi kung hindi ka takot, deadma ka lang. Kaya mo i-ignore everything. Kunyari nagsasalita ako about certain issues, kaya ka nagsasalita doon kasi may takot ka, may ayaw kang mangyari, kaya ka nagsasalita. Kasi kung hindi ka naman takot, bakit ka magsasalita? It doesn’t mean na matapang ka kung nagsa­salita ka. It means may kinatatakutan ka kaya gusto mong ipaglaban. Natatakot kang maapi, natatakot kang ibahin ‘yung story mo ng ibang tao,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Naniniwala si Angel na para sa kapakanan ng karamihan ang kanyang mga opinyon. Mahalaga rin umano na wala kang natatapakan na tao sa tuwing maglalabas ng emosyon sa publiko. “Darating ka sa point na kailangan mong magsalita. Hindi para umapak ng ibang tao kung di para mas maging totoo ka lang sa sarili mo. Wala naman akong intention to impose ‘yung opinions ko or ideas ko sa ibang tao. Kundi para maintindihan n’yo rin kung ano ‘yung nasa isip ko. Kasi lahat naman nadaraan sa maayos na pag-uusap,” pagtatapos ng aktres.

Jameson, walang nakitang pagbabago kay Charlie

Ilang beses nang nagkatrabaho sina Charlie Dizon at Jameson Blake sa mga proyekto. Ngayon ay napapanood na rin ang iWant TFC Original Series na My Sunset Girl na pinagbibidahan ng dalawa.

Ayon kay Jameson ay naging kumportable na sila ng aktres sa isa’t isa. “Working with each other again, there’s adjustments in terms of our characters. She helps me with my lines. We just help each other din on the set,” bungad ni Jameson.

Kahit nanalo na bilang Best Actress si Charlie ay wala naman daw naging pagbabago sa dalaga para kay Jameson. “One thing I noticed is that she’s the same person I like and she didn’t change porke’t may award na siya or anything. I can see she’s more focused. She’s more professional when it comes to work. When I first met her, we weren’t working on projects like this. Nakikita ko ‘yung professionalism niya and at the same time we got closer,” paglalahad ng aktor. Reports from JCC

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with