_ngayon
^

PSN Showbiz

Andi and Direk Rory,nahanap ang kaligayahan

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andi and Direk Rory,nahanap ang kaligayahan
Andi.

Talagang ikaw mismo ang may choice kung ano ang path na gusto mo sa buhay. Kung ano at saan mo mapi-feel ang happiness at contentment mo. Tingnan mo si Andi Eigenmann, happy siya sa simpleng buhay sa Siargao.

Si direk Rory Quintos na isang award winning at box office director happy pala sa buhay sa Cordillera at nanggagamot sa natural na paraan. Sino nga ba iyong actress na nag-mongha o madre at nasa abroad? Si Chin-chin Gutierrez. Iniwanan nila ang showbiz upang tahakin ang buhay na tahimik, choice nila, hindi by force dahil maganda naman ang career nila. Basta iyon ang nagpa-happy sa kanila at dun nila natagpuan iyong hinahanap nila.

Sabi nga ni direk Rory Quintos sa interview niya kay Pat. P basta naisip niya, dun siya liligaya, iyon ang gusto niya.

Si Andi, now and then puwedeng gumawa ng pelikula o TV shows, pero type niya nasa Siargao pa rin siya pagkatapos.

Dun niya palalakihin mga anak niya, tahimik, malayo sa ingay. Our life is our choice, our decision, tayo lang ang puwedeng mag-decide. Gusto mo ng simple buhay, kaya mong gawin at tanggapin, iyon ang piliin mo, iyon ang buhay mo.

Mahirap, pero dahil ikaw ang pumili masarap gawin at tanggapin. Kaya iyon nagsasabi na gusto nila ordinary life, kung talagang gusto mo, magagawa mo. Tingnan mo sina Direk Rory at Andi, nagawa nila.

Iba iyon sinasabi sa ginagawa. Dahil pag gusto, madali lang, hindi ka ­manghihinayang sa iiwan mong buhay.

Sen. Manny, ramdam ang suporta ng fans

Nakakatuwa na marami pa rin celebrities na dumadalaw sa training ni champ Manny Pacquiao. Siyempre pa, kahit paano gusto niya rin na makita na nandiyan pa rin ang mga niya, lalo nga at panay ang bira sa kanya dahil sa political career niya.

Siguro hindi ito dapat iniisip ngayon ni champ Manny dahil baka makaapekto sa kanyang concentration, pero siyempre tao rin siya na apektado sa mga bira.

Mabuti na nga lang at nandiyan si Mama Jinkee Pacquiao na nagbibigay tatag sa kanyang asawa. Naku, kahit ano sabihin icon pa rin natin lahat si Manny Pacquiao, nagbigay karangalan sa bayan, at patuloy na nagpapalaki ng pangalan ng Pilipinas.

We are proud na kababayan natin siya, at ipagmamalaki natin forever na meron tayong Manny Pacquiao. Win for the Philippines champ Manny Pacquiao.

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with