^

PSN Showbiz

Fans ni Sarah ‘di bumitiw sa kanyang birthday!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Fans ni Sarah �di bumitiw sa kanyang birthday!
Sarah
STAR/ File

Ang bongga ng fans ni Sarah Geronimo! Talagang kinarir nilang mag-trending ang #SarahGeronimoDay sa kaa­rawan nito kahapon.

Noong Sabado ng gabi pa lang ay sinimulan na nilang i-trending na tamang-tama naman ay umakyat na ito sa number one kahapon ng umaga.

Bago magtanghali ay nilagpasan na ito ng #DONBELLEShowStealer na talagang tinatrabaho rin ng fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Pero sumusunod pa rin ang #SarahGeronimoDay.

Two days ago ay natutuwa si Matteo Guduicelli na ni-retweet ang interview sa kanya sa The Buzz nina Kris Aquino at Toni Gonzaga na nagpahayag siyang si Sarah na sana ang makasama niya forever at magiging ina ng kanyang magiging anak.

Pagbati naman niya sa misis kahapon : “Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman! Thank you for all the love. I love you forever. “

Frontal ni Paolo, benta sa social media

Nakakaloka ring pagkatapos ng trending ng birthday ni Sarah G, sumusunod namang nagti-tren­ding ang #jakolpinoy.

Komento nga ng karamihang netizens, Linggung-Linggo, ganitong kabastusan pa ang nagti-trending. Sinisisi nila ang tuluy-tuloy na pag-ulan, at ang sarap lang matulog.

“Bed weather” nga ang sabi nila kaya kung anu-ano na lang ang naiisip.

Kahit sa gitna ng takot sa pagpasok ng Delta variant ng COVID-19, ang pagbaha at may lindol pa, nagiging malikot na ang nasa isip ng mga tao.

Noong nakaraang Sabado ay nag-trending din kasi ang frontal nudity ni Paolo Gumabao sa pelikulang Lockdown na nag-streaming na noong nakaraang Biyernes, July 23.

Maganda ang resulta nito sa KTX.Ph at sa iba pang streaming app, kaya tuwang-tuwa ang produ­cer ng For The Love of Art Films ni Jojo Barron dahil nagbunga naman ng maganda ang lahat ng pinaghirapan nila.

Nag-IG live rin si Paolo para tuluy-tuloy ang pagpu-promote, kahit kalat na kalat na nga sa social media ang frontal nudity na kuha sa pelikulang ito.

Nakita ko rin sa IG niya na nagtatanong ang kapatid niyang si Michelle Gumabao kung saan ito mapapanood.

Hindi naman nagpatalo ang kapatid niyang si Marco Gumabao dahil lumabas din ang video ng bagong endorsement niyang underwear na ‘di rin nagpatalo ang pabukol sa video ng ad.

Kasabay ng pag-trending ng nakabuyangyang na pagkalalaki ni Paolo, sumabay ding mag-trending ang frontal nudity scene ng baguhang aktor na si Marco Gomez sa pelikulang Silab na dinirek din ni direk Joel Lamangan.

Dennis, VIP ang pakiramdam

Ngayong gabi na huhusgahan ang isa sa pinakaaabangang drama series ng GMA 7, ang Legal Wives na mapapanood na sa GMA Telebabad pagkatapos ng The World Between Us.

Sa trailer pa lang ay ang gaganda na ng feedbacks kaya mukhang sulit naman ang lahat na hirap nila. Dalawang beses man naudlot ang airing nito, at least tuloy na tuloy na ito ngayon.

Isa nga ito sa pinakamalaking proyekto ni Dennis Trillo na abut-abot ang pa­sasalamat sa GMA 7 dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role na ito ni Ismael Makadatu na may tatlong legal wives.

“Feeling importante ako,” pakli ni Dennis sa nakaraang virtual mediacon ng Legal Wives.

“Masaya sa pakiramdam na lahat ng paghihirap, sakripisyo at pagtatrabaho ng maayos ay nari-reward-an ng ganitong klaseng programa kaya talagang wala akong masabi sa GMA kundi pasasalamat at talaga namang paghanga at hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo na sinusuportahan at pinagkakatiwalaan ang trabaho ko,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with