_ngayon
^

PSN Showbiz

Pagkatapos ng showbiz, Javi ,Arjo, PM, Gino interesado sa pulitika!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mukhang after showbiz, politics naman ang career na type ng mga kabataan. Tingnan mo sila Javi Benitez, Arjo Atayde, PM Vargas, at balita rin ngayon na ­interesado si Gino Roque.

Mukha ngang maganda dahil mga young blood naman ang nagkaka-­interest sa pulitika. Good sign dahil preparado naman ang mga batang ito, nag-aral, at alam ang pinapasok nila.

Siguro magiging aggressive sila sa pagbabago, at maiiba ang takbo ng pamamahala.

Sana nga magtagumpay sila, para makita natin kung paano ang klase ng leadership nila. Javi Benitez, Arjo Atayde, PM Vargas, Gino Roque, sige, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya n’yo, kung hanggang saan ang puwede n’yong gawin.

Zia at Ziggy alam na agad ang kapalaran sa showbiz

Parang ngayon pa lang, nakikita mo na kung anong hitsura ng anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Ziggy o Sixto.

Sobra sa guwapo at parang manyika talaga sa cuteness ang bagets. Iyon good features nila ­Marian at Dingdong talagang pinaghalo sa bata.

Ang ganda ng combination nilang dalawa dahil kahit ang panganay nilang si Zia ang ganda-ganda rin. Paano nga naman aalis pa ng bahay si Marian eh makita mo lang iyon dalawang angels niya parang hindi mo na ­gugustuhing lumabas sa pinto.

Bongga talaga na habang lumalaki ang mga anak nila, lalo pang gumaganda at nagiging pogi. Parang alam mo na may second generation na ng mga Rivera at Dantes sa showbiz at now pa lang alam mo na kung saan ang landas na tatahakin nila.

Bukas na agad ang pinto ng showbiz, welcome na agad silang dalawa, meron na agad space na inilaan sa kanila.

Kaya nga, talagang napaka-lucky ng Dantes Squad.

GINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with