_ngayon
^

PSN Showbiz

Naghihintay ng tamang panahon bago magsalita, Aljur nag-sorry kay Cindy!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Naghihintay ng tamang panahon bago magsalita, Aljur nag-sorry kay Cindy!
Aljur at Cindy

Grabehan pala ang mga eksena nina Aljur Abrenica and Cindy Miranda sa digital film nilang Nerisa at maraming underwater scenes.

As in may matitinding eksena sila sa ilalim ng tubig kaya bago sila nag-start ng shooting ay nag-aral pa sila ng di­ving. At hindi rin sila nagbigay ng limitations ang mga love scene.

Pero hindi naman daw lahat daring, matindi rin ang hugot nila sa mga drama scene.

At ayon kay Aljur, talaga raw prinotektahan niya si Cindy sa mga delicate scenes nila.

So anong preparations ang ginawa nila bago ang mga actual take ng mga super daring scenes?  “Nag-usap kami ni Cindy. Siyempre, babae pa rin ‘yun. Ako nga, nag-aalala ako sa kanya kasi marami siyang ginawang love scenes. Pero ginawa ko pa rin na respetuhin siya, sabi ko, ‘hanggang saan ‘yung kaya mo?’ Nagkaroon kami ng usapan, hanggang saan ang limitasyon, naging open kami sa isa’t isa,” kuwento ni Aljur habang bumibiyahe kahapon papuntang Filinvest para dalawin ang kanyang parents at kapatid.

Kaya naman nadamay si Cindy at napagbintangan pang third party sa kanila ni Kylie Padilla. “I felt sorry, gusto kong humingi ng pasensya sa lahat ng mga nadadamay. ‘Yun lang. Hindi nila deserve ‘yun. ‘Yun lang po,” maiksing sagot niya sa intimate no intriga chikahan with Aljur ng ilang entertainment press kahapon.

Pero nanghingi naman ng pasensiya ang actor na hindi pa siya puwedeng magsalita at naghihintay pa siya ng tamang oras kahit alam daw niyang marami kaming gustong alamin tungkol sa nangyari sa kanila ni Kylie. “Alam kong marami kayong gustong itanong pero in time po, masasagot at alam kong concerned kayo sa akin. Pagdating ng panahon, maayos din po ‘to lahat,” aniya.

Ngayon ay pinipili raw niyang maging happy – career and family wise.

Samantala, agad napuri ang acting ni Aljur sa trailer pa lang ng Nerisa samantalang noon ay sinasabihan nga siyang ‘wooden acting’ na aminado naman siya pero naging fuel daw ito para ma-improve niya ang kanyang craft.

Ang screenplay ng Nerisa ay sinulat ng multi-awarded at critically acclaimed scriptwriter na si Ricky Lee at dinirek ni Lawrence Fajardo.

Mag-uumpisa itong mapanood sa July 30, sa kktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax.

Three movies ang pinirmahan ni Aljur na contract sa Viva Films.

ALJUR ABRENICA CINDY MIRANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with