_ngayon
^

PSN Showbiz

Kapamilya forever, may pa-music video

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya forever, may pa-music video
KathNiel

Naghandog kamakailan lang ang ABS-CBN ng bagong Kapamilya Forever music video kasama ang ilan sa pinakamalaking pangalan sa industriya upang pasalamatan ang mga patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kumpanya.

Tampok sa video ang remix ng awiting Kapamilya Forever na unang ipinarinig sa ASAP Natin ‘To noong nakaraang Linggo, kung saan nagsama-sama ang maraming Kapamilya stars isang taon mula nang mawala sa ere ang ABS-CBN at hindi binigyan ng bagong prangkisa.

Kabilang sa bagong lyrics ng kanta ang “Andito Kami Para Sa ‘Yo” at “Andito Kami Dahil Sa Inyo” na nagsasabing patuloy na paglilingkuran ng network ang mga Pilipino sa mga bagong pamamaraan at plataporma.

Sa kasalukuyan ay nakakapagbigay pa rin sila ng suporta, liwanag, at ligaya sa pamamagitan ng news, entertainment, pelikula, at musika sa free TV, cable, online, at mga streaming platform. Napapanood na rin ang ibang palabas nito sa buong bansa gamit ang anumang digital TV box tulad ng TVplus box sa pamamagitan ng TV5, at sa Metro Manila at malalapit na probinsya sa cable sa tulong naman ng A2Z.

Naantig naman ang netizens sa mensahe at himig ng awitin at kanilang ibinahagi ang mga saloobin online.

Unang nilabas ang Kapamilya Forever noong Mayo 2020, ilang linggo matapos mawala sa ere ang ABS-CBN sa TV at radyo.

KAPAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with