_ngayon
^

PSN Showbiz

Nico Antonio May bagong manager mapapanood sa Magpakailanman!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nico Antonio May bagong manager mapapanood sa Magpakailanman!

Wow Bidang-bida ang aktor na si Nico Antonio sa fresh episode ng GMA weekly drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 24, 8 p.m. titled From Russia With Love. The Eric Baylosis/Anna Rabtsun Baylosis Story.

Tungkol ito sa kuwento ng isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Ang appearance ni Nico sa #MPK ay unang pagkakataon niyang makita sa screen mula sa simula ng kuwento hanggang sa matapos ito.

“Mahirap pala. Not just physically but also mentally and psychologically. Matindi ang pressure and kailangan always on your toes. No room for mistakes.”

Sa sobrang tuwa, naluha nga raw siya nang mabasa ang script. “First time ever na nangyari sa akin ‘yung ganito. Kaya I am very grateful sa GMA for this opportunity,” rason ng aktor.

Lalabas na wife niya sa kuwento si Max Collins habang si Don Michael Perez ang director ng episode.

Sa ngayon, nasa lock-in taping ng isang buwan si Nico para sa isang bagong series na hindi pa niya puwedeng sabihin ang title.

Freelance artist na ngayon si Nico sa ilalim ng management nina Becky at Katrina Aguila pero panay ang kanyang pasasalamat sa Star Magic at ABS-CBN, na naghinang sa kanyang talent bilang aktor.

NICO ANTONIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with