_ngayon
^

PSN Showbiz

Zanjoe, binawalang patawag ng kuya kay Sue!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe, binawalang patawag ng kuya kay Sue!
Zanjoe at Sue

Marami ang nasasabik nang mapanood sa Kapamilya Channel ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo. Kamakailan ay nag-pictorial na ang cast para sa naturang Philippine adaption ng BBC series na Dr. Foster. Nakasanayan na raw ni Sue mula noon pa na tawaging Kuya Z si Zanjoe.

Ayon naman sa aktor ay pinagbawalan na niya ang dalaga sa pagtawag sa kanya nito. “Sabi ko, ‘Oy! Tigilan mo na ‘yung pagtawag mo sa akin ng Kuya Z.’ ‘Oh sige Kuya, ay!’ sabi niyang gano’n. So after noon ay Z na lang ang tawag niya sa akin, wala nang kuya. Kasi magka-love team, may love story tayo rito. Kumbaga magiging mag-asawa tayo rito. Kung tatawagin mo ako ng kuya off screen, nakakailang naman siguro,” paliwanag ni Zanjoe.

Para sa binata ay talagang magaling na aktres si Sue. Naisip din ni Zanjoe noong malaman ang tungkol sa bagong proyekto na bagay kay Sue ang karakter ni Lexy Lucero sa serye. “Nabanggit ko na parang bagay kay Sue. Nakalimutan ko na, matagal na. Tapos no’ng in-announce, sinabi sa amin na si Sue nga ang gaganap, na-excite ako. Nakakatuwa kasi ang galing ni Sue. Kahit anong ibigay mo sa kanyang karakter, kahit anong role, parang nagagawa niya talaga kung ano ang hinihingi,” dagdag ng aktor.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatrabaho ni Zanjoe si Jodi na gagampanan naman ang karakter ni Dra. Jill Ilustre. Ayon sa aktor ay magkaibigan din sila ni Jodi kaya magiging madaling gampanan ang karakter bilang asawa na si David Ilustre. “Exciting kasi unang-una. Alam naman natin kung gaano kagaling si Jodi pagdating sa pag-arte. Mahal na mahal siya ng mga tao, gustung-gusto siya pinapanood. Close kami outside trabaho, naging magkaibigan kami kaya komportable ako. Magiging komportable ako sigurado,” pagtatapos ng binata.

Shaina, na-extend nang na-extend sa Probinsyano

Pebrero noong isang (taon) nang mapasama si Shaina Magdayao sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. Dapat ay dalawang buwan lamang daw ang itatagal ng karakter ng aktres bilang si Police Major Roxanne Opeña sa nangungunang teleserye sa bansa. “My character is still alive, the show is still alive. We’ve been extended and extended, and extended. It’s all because of the support of our Kapamilya, and our Kapatid, at ‘yung mga nanonood online,” nakangiting pahayag ni Shaina.

Mag-aanim na taon na ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay. Malaki ang pasasalamat ni Shaina dahil naging bahagi siya ng isang programang patuloy pa ring pinag-uusapan at tinatangkilik ng mga manonood sa gitna ng pandemya. “Who would have thought, that in the middle of the pandemic, magiging very successful pa ang Probinsyano. I’m very, very grateful. I’m part of a good culture. Our show was the first show to resume working. We were called the frontliners pa nga noong una. ‘Yung drive namin was, if hindi kami magso-show up, paano ‘yung mga katrabaho naming magkakaroon ng trabaho? Our crew, our staff? Right now, it’s more than just being an actress. It’s more than just having a show, it’s actually functioning as a unit. We function as a family,” makahulugang pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

SUE RAMIREZ ZANJOE MARUDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with