_ngayon
^

PSN Showbiz

Level of interest ng manonood, mabilis magpalit

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Level of interest ng manonood, mabilis magpalit
Kris

Kahit wala akong alam sa sinasabi nilang natatanggap na monetization sa social media basta malaki ang following mo, congrats na rin kina Alex Gonzaga at Raffy Tulfo. Balitang ang laki ng natatanggap nilang bayad dahil sa millions of followers nila.

Sabi nga balewala ang kita ni Alex sa pelikula o TV sa tinatanggap niya sa YouTube channel niya. Ganundin si Raffy Tulfo na milyun-milyon din ang followers sa Facebook at YouTube.

Bongga talaga ‘pag narinig mo ang mga tinatanggap nilang TF, tunay na nakakalula, kaya nga uso na raw sa halos lahat ng artista ang vlogging, o may sarili na rin silang channels dahil nga sa sobra raw ang laki ng natatanggap mong bayad dito sa bagong platform nila. Halos lahat yata nakasali na rito pati mga anak ng celebrity meron nang mga kanya-kanyang social media account.

Sayang dahil si Kris Aquino ang unang nakaisip ng idea na iyan, siya dapat ang nauna sa platform na iyan. Pero ok lang dahil sure ako kung ginawa iyan ni Kris by now, pinagsawaan na rin niya at baka huminto na rin siya by now.

Saka alam mo naman na ang interest level ngayon ng followers ay madaling magpalit, now gusto nila ito, bukas ayaw na nila. Kaya dapat everyday nag-iisip ka ng bago. Trabaho rin ito at pinaghihirapan, kaya dapat lang talaga na bayaran nang malaki.

Mga celeb na pumapasok ng pulitika, timing ang kailangan

‘Pag sasagot ka ng yes o no dapat i-qualify mo. Is it a yes/no, a no/yes o talagang no/no or yes/yes. Huwag kang sasagot ng parang hilaw, ‘yung may puwang para magbago ang isip mo. Dapat firm ka, ‘pag sinabi mo na no, dapat talagang no. Ganyan ang nangyayari doon sa mga kinukumbinsi nila na tumakbo sa pulitika. Alam nila kung minsan ‘pag puwede pang pilitin, ‘yung konting himas lang puwede nang magbago ang desisyon.

Sabagay, ang pulitika naman, parang stardom din, timing lang ang kailangan. ‘Pag gusto mong subukin, tingnan mo ang level mo, ang kinalalagyan mo, kung may chance ka na 60% ok na, go ka na, puwede nang ‘yung kulang makuha sa kampanya. Pero kung mga 30% lang ang chance mo, urong ka muna dahil baka pumalpak. Pinasok nina Nora Aunor at Robin Padilla ang pulitika, pero hindi sila nagtagumpay. Noong pasukin ni Rudy Fernandez ang politics, hindi rin maganda ang naging timing dahil iyon na ang panahon na nag-slide sa popularity si Joseph Estrada.

Timing talaga ang lahat, kaya ang magiging desisyon nina Willie Revillame at Raffy Tulfo, dapat makiramdam silang mabuti, pakinggan ang pulso, tingnan ang do’s at don’ts. Pag-isipan nang isang daang beses para sigurado sa sagot. Qualify your no and yes. Dapat matatag sa sagot, once and for all, iyon ang panindigan nila.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with