_ngayon
^

PSN Showbiz

Robin, mas gustong tumira sa Europe kesa kumandidato sa 2022

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa susunod na buwan ay malinaw na talaga kung sino na ang mga kumpirmadong tatakbo sa darating na eleksyon.

Sa mga kakandidatong senador ay lumulutang ang pa­ngalang Willie Revillame, Robin Padilla at Raffy Tulfo.

May Kris Aquino pa na marami ang nagsasabing puwede siya talagang manalo. Kaya lang ang concern nila ay ang kalusugan nito. Nandiyan din sina Congresswoman Lucy Torres, ang dating Senador Jinggoy Estrada at kahit si Mayor Lani Mercado ay nasa survey na rin daw siya.

Sa Congress naman ay kinukumbinsi pa rin daw si Dingdong Dantes, pero ayaw daw ni Marian Rivera.

Mukhang go na go na si Arjo Atayde para sa district 1 ng Quezon City.

Nagkumpirma na rin sa amin si Anjo Yllana na tuloy ang pagtakbo niya bilang Congressman ng district 5 ng Camarines Sur. Dito rin tumakbo noon si Aga Muhlach na hindi pinalad.

Nalaman namin kay Anjo na magkamag-anak pala sila ni Aga sa mother side na taal na taga CamSur. Kaya madalas na nasa CamSur ngayon si Anjo, at nag-e-enjoy naman daw siya roon.

Samantala, nakita namin sa YouTube channel ni Mariel Rodriguez-Padilla ang pag-uusap nila ni Robin. Kinumpirma na rin doon ng aktor na hindi niya talaga papasukin ang pulitika. Aniya; “Maraming nangarap na maging pulitiko ako. Hindi mangyayari ‘yun. It’s not gonna happen. Gusto kong magkaroon ng tahimik na buhay ang mga anak ko. Ang pangarap ko nga diyan sa abroad  din eh.

“Sana magkaroon tayo ng blessing na mangyayari pa yun. Kasi sa ngayon, imposible pa ‘yun eh.”

Para kay Robin, mahirap pa raw sa ngayon dahil kailangan pa nilang mag-ipon o ‘di kaya magbenta na sila ng ilang properties nila.

Binanggit ni Robin na ibenta lang ang bahay nila, at ang museo ay sapat na iyon para mangibang bansa silang mag-anak. “Nakasalalay lahat ‘yan sa kung anong blessing natin. Kasi kung magiging ganito, nandito lang tayo sa Pilipinas. Wala tayong tsansang makalayo,” pakli ni Robin.

Kung siya ang masusunod gusto niya sa Europe na sila manirahan, at magkasama sila ni Mariel na alagaan at palakihin ang kanilang dalawang anak.

Max, gumanap na Russian model

Bukod sa kanyang anak ay nakatutok sa trabaho si Max Collins at bahala nang mag-isip ang iba kung ano talaga ang kalagayan ng pagsasama nila ng asawa niyang si Pancho Magno.

Pagkatapos ng lock-in taping niya sa To Have and To Hold kasama sina Rocco Nacino at Carla Abellana, isinalang agad si Max sa isang napakagandang kuwentong ipi-feature ng Magpakailanman. Kuwento ito nina Eric Baylosis at Anna Rabtsun Baylosis, isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Swak na swak na ka-partner ni Max ang magaling ding aktor na si Nico Antonio. Bidang-bida rin si Nico rito na sobrang na-challenge sa role bilang si Eric Baylosis. Naluha nga raw siya nang nabasa niya ang script.

Thankful si Nico sa GMA 7 na sa kanya ito ipinagkatiwala.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with