_ngayon
^

PSN Showbiz

Bea at Dominic, naghintay ng tamang panahon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea at Dominic, naghintay ng tamang panahon
Dominic at Bea
STAR/ File

Yung mga kumakalat na sweet na photos nina Dominic Roque at Bea Alonzo, para namang hindi na nakakagulat. ‘Yung matter of timing na nga lang siguro ang hinintay nila. Hinintay muna nila na mauna ang paglabas ng photos nina Gerald Anderson at Julia Barretto, tapos saka nila pinayagan ilabas naman iyon silang dalawa.

Ala­ngan naman na magkasama sila sa Amanpulo at USA nang wala silang relasyon ‘di bah! Kasi nga mai­ngay ‘yung ghosting ni Gerald kay Bea, nag-deny muna sina Gerald at Julia, alangan namang biglang meron palang Dominic si Bea.

Pare-pareho silang naghintay ng timing sa paglalabas ng bago nilang relasyon, para kahit paano hindi maging violent ang reaction ng fans nila.

So now, siguro tanggap na ng lahat na happy na silang apat, everybody happy, so no more problem.

Go on na uli ang buhay, sana wala nang bitterness, wala nang issue, meron nang kanya-kanyang partner, so tahimik na.

MGA PINOY, umiral ang pagiging

Cramming sa pagpapabakuna

Para talagang ugali na ng mga Pinoy ang cramming, o gusto photo finish ang lahat. ‘Pag nakikita ko ‘yung ipinalalabas sa TV na pila ng mga nagpapabakuna ngayon kahit pa nga magtiis sa ulan at bagyo, naalala ko ‘yung tayo ang nagpabakuna na ang ikli ng pila at konti lang ang tao. Ang ganda pa ng lugar ng bakunahan, sa Skydome at Araneta Coliseum.

Siguro naisip na rin ng marami na kailangan talaga ang bakuna, kaya hayan, ngayon sila nagpunta kung kailan punuan na at talagang ang haba ng pila sa gitna ng ulan.

Umpisa pa lang kasi panay na ang panawagan sa lahat na kailangan talaga natin ang bakuna, ibinibigay nang libre, bakit pa tayo tumatanggi?

Ngayon na mas matapang ang variant na dumating, heto, hirap tayo sa pagpila.

Sabagay, talagang ugali na natin na laging sa huli nagsisisi, kaya nga nahirapan man ang gobyerno para kumbinsihin ang lahat, mukha namang tagumpay na ngayon dahil hayan, kusa nang pumupunta ang mga tao.

Sabi nga, basta sa Quezon City, Protektodo tayong lahat. Bakuna is life. Kahit ano pang variant iyan, Alpha, Lambda, Beta o Delta, laban tayo, dahil may bakuna.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with