^

PSN Showbiz

Popular male actor na sanay sa beki, hirap maglabas ng datung!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madali raw malaman kapag galing sa kamay ng beki ang isang male personality. Lalong madaling maintindihan ang ugali ng artistang lalaki kapag nagpalipat-lipat na siya sa iba-ibang beki.

Ayon sa aming source ay para siyang manok. Puro pakahig lang nang papasok ang kanyang alam. Walang palabas. Dahil nasanay nga siyang hindi gumagastos at ang mga karelasyon niyang beki ang nagbibigay sa kanya.

Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay naging paksa ang isang pamosong male personality na hinawakan nang matagal na panahon ng isang milyonaryong beki.

Kuwento ng aming source, “Spoiled siya sa gay benefactor niya, palibhasa, e, parang namumulot lang ng datung ang beki nu’n dahil sa napakalakas niyang negosyo.

“Lahat ng gusto ni ____(pangalan ng pamosong lalaking personalidad) nu’n, walang kakurap-kurap ng mga matang ibinibigay sa kanya. Wala nang kuwentahan kung sobrang mahal ba ang presyo ng gusto niya, delivery na agad ang kasunod nu’n!

“As in, lahat ng luho niya, e, ibinibigay ng millionaire gay benefactor niya, sa sandaling panahon lang, kinumpleto nu’ng beki ang lahat-lahat ng gusto niya!” unang halimbawa ng aming impormante.

‘Yun ang itinuturong dahilan ng mga miron kung bakit hindi sanay sa paglalabas ng datung ang popular na male personality. Pahirapan. Nasanay na nga kasi ang aktor na siya ang ginagastusan at hindi siya ang gumagastos.

Patuloy ng aming impormante, “Madaling malaman kapag iginagarahe na ng beki ang artista. Mahirap siyang magpa­kawala ng pera. Nasanay na kasi siya na wala siyang inilalabas habang jowa siya ng beki, siya ang ini-spoil talaga.

“Kita n’yo ‘yung male personality na matagal na naging boy toy ng mayamang gay benefactor niya, nu’ng magkaroon na siya ng mga girlfriend, e, hindi siya palabigay ng regalo.

“Siya ang binibigyan! Ilang nakarelasyon niyang artista ang nakakaalam nu’n, may kahigpitan sa datung ang guy, kasi nga, hindi siya sanay na siya ang nagbibigay!

“’Yung una niyang girlfriend, ‘yung ikalawa, ‘yung ikatlo at ngayon, meron siyang pang-apat! Kumustahan n’yo ang mga girls kung naging spoiled sila materially nu’ng sila pa ng male personality!

“Waley! Kuring siya. Ang mga girls pa nga ang nagrere­galo sa kanya ng mga kapritso niya! Kasi nga, puro papasok lang ang alam niya, walang palabas, ganu’n ang naging takbo ng buhay niya kapag beki ang karelasyon niya!

“Naku, kapag nagkuwentuhan ang mga ex niya, e, isa lang ang kanilang masasabi, oo nga! Oo nga at oo nga!” namamanghang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie at Raffy, dumaranas ng matinding stress sa pamimilit ng kampo ni Pres. Duterte

Dalawang sikat na personalidad ngayon sa kani-kanilang linya ang nahihilo at halos masuka na sa tindi ng stress at pressure.

Kailangan na nilang magdesisyon sa susunod na buwan kung tutuloy ba sila sa pagpasok sa mundo ng pulitika na ibang-iba sa balwarteng pinagtatagumpayan nila ngayon.

Unahin natin ang matagumpay na TV host na si Willie Revillame. Panay-panay na ang pagtawag sa kanya ngayon ng mga kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ikalawa ay ang matapang na news anchor-komentaristang si Raffy Tulfo. Sa inilabas na listahan ng PDP-Laban ay kasama ang kanilang pangalan sa tatakbong senador ng partido.

May mga nagbibigay sa kanila ng basbas na kumandidato pero meron din namang nag-aalalang mga kababayan natin na kapag nasa Senado na sila ay mahirap na silang makausap nang personal.

Kung kapasidad sa pagtulong sa mga kababayan nating kapuspalad ang kaisa-isang magiging barometro sa eleksiyon na sariling pera nila ang gamit ay mag-aagawan sa unang puwesto sina Willie at Kuya Raffy.

Sa bulsa nila galing ang ipinamamahagi nilang ayuda, hindi salapi ng gobyerno, kaya napakalaki ng kaibahan nila sa mga tradisyunal na pulitikong hindi naman nalalaslas ang mga bulsa sa pagbibigay ng tulong.

Sa madalas naming pakikipag-usap kina Willie at Kuya Raffy ay isa lang ang aming nararamdaman. Para silang isda na aalisin sa tubig at ililipat sa lupa, hindi pa buo ang kanilang desisyon.

Ang tanging nakikita naming dahilan para sila sumulong sa darating na eleksiyon ay kapag kinausap na sila nang masinsinan ni PRRD. Hindi nila matatanggihan ang pangulo.

Kung ang ginagawa nilang pagtulong sa ating mga kababayan ngayon ay sobra pa sa sapat, siyempre’y isa lang ang ipapayo sa kanila ng pangulo, ang mas palawakin pa ang maganda nilang puso sa pamimigay ng biyaya sa mga Pinoy.

Parang nakikinita na namin na hindi nabibiyayaan nang sapat na tulog ngayon ang dalawang iniidolong personalidad ng bayan ni Juan ngayon. Nagdadalawang-isip pa sila. Hindi pa isandaang porsiyento ang kanilang desisyon kahit pa ang dami-daming kumakausap sa kanila para tumakbong senador.

Marami silang kailangang balansehin, may mga kunsiderasyon silang dapat pahalagahan, pero sa pinakadulo ay silang dalawa pa rin ang magdedesisyon.

Napakaigsi ng buhay. Kailangan nating gamitin ang panahon sa kung saan tayo maligaya. ‘Yun ang pinakaultimo.

WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with