_ngayon
^

PSN Showbiz

Shaina, may bagong negosyo na

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Shaina, may bagong negosyo na
Shaina
STAR/ File

Kamakailan ay nailunsad na ni Shaina Magdayao ang kanyang bagong negosyo. Iba’t ibang klaseng bags ang ibinebenta ngayon ng Organized Chicas na pag-aari ng aktres at kaibigang si Nikki Medina.

Layunin ni Shaina na makatulong din sa mga kababayang nangangailangan ng trabaho sa gitna ng pandemya. “God has been so generous that in the middle of the pandemic nagkaroon kami ng business. It was also because of the intention to help people. Pareho kasi kaming OC and then when we started taping for Ang Probinsyano, they were very strict na bawal ‘yung mga plus one. So we had to fix our own thing. So sabi ko kay Nikki, please help me fix my things. Siya ‘yung nag-organize, kaya sabi ko, ‘Gawin kaya na­ting business itong mga bags that I personally use when I’m taping,’ That’s when it started and it’s our own little way to help people, ‘yung mga gumagawa ng bags namin during the pandemic because as we all know, most of the people nawalan ng trabaho. It’s our own to give opportunity for other people to work for us,” pagbabahagi ni Shaina.

Magtatatlong dekada na ngayon sa show business ang aktres. Naniniwala si Shaina na hindi panghabambuhay ang pagiging isang artista kaya kinakailangang magnegosyo para sa kinabukasan.

Bukod sa negosyong bags ay mahigit dalawang dekada na rin ang mga Ystilo Salon na family business ni Shaina. “Showbiz won’t be forever kahit na forever na ito para sa akin. Hindi laging hectic or hindi laging you’re on a roll. So you have to make sure that you are wise with your investment. So far I’ve been making the right decisions with Ystilo and with Organized Chicas,” paglalahad ng dalaga.

Gary, tinutulungan ng mga anak sa mga bagong kanta

Isa si Gary Valenciano sa mga OPM singer na talaga namang tumagal sa industriya. Mag-aapat na dekada na ang singer sa paglikha ng mga makabuluhang awitin. Malaki umano ang naitutulong ng tatlong anak na sina Paolo, Gab at Kiana upang makakuha ng mga bagong inspirasyon pagdating sa musika. “Paolo, Gab and Kiana and even Samantha (asawa ni Paolo), who are all creative in their own right. They are able to feed me with ideas, feed me with the do’s and don’ts. Kiana sometimes texts me a link of an artist I’ve never heard of before. Pero when I hear it, it’s like wow, pwede pala ‘yon. Or Paolo, my live events/concert director, who immerses himself so much not just onto the project, but to what the project is about, who the project is reaching, what’s the market. Then he comes back to me and says, ‘Okay dad, when we did this with this group, it was like this. And when we did this with this artist, it was like this.’ When it comes to visuals on videos, that’s when Gab comes in. I know he’s a dancer, but he’s an excellent editor, he’s an excellent director when it comes to videos. So I have all three bases full, with regard to what I need to stay relevant,” pagdedetalye ni Gary.

Malaki ang pasasalamat ni Mr. Pure Energy sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya sa loob ng 38 taon. Ang tanging hiling lamang ni Gary ay magustuhan pa rin ng mga tagapakinig ang lahat ng kanyang mga ginagawang kanta. “You can have hundreds of thousands of followers if not millions of followers or likes on something that you posted, but are people just hearing what you’re saying, or are they listening to what you’re saying? For me that’s what matters most. If I can change one life out of millions out there who might come across my message, then that one creates a ripple effect and knows how may lives I’ll be able to touch then. I’m not here to change lives. I’m here to touch people enough to know that there might be a direction that might be better for them,” pagtatapos ng singer.
(Reports from JCC)

SHAINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with