_ngayon
^

PSN Showbiz

Lovi, walang regret sa other wife...

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lovi, walang regret sa other wife...
Lovi.

Raving ang mga nakapanood sa pelikulang The Other Wife particular na sa acting ni Lovi Poe na ibang-iba nga raw sa mga nauna niyang mga proyekto.

Kaya say ni Lovi sa isang virtual chikahan with the press the other day, magre-regret talaga siya kung ‘di niya ito tinanggap.

“Because parang hindi na darating ulit ‘yung ganitong klaseng pelikula but unless you have another material that is the same, kind of the same. Kasi for me hindi siya typical eh parang yung ganitong klaseng role hindi ko alam dream role ko siya till I got it. Kasi matagal ko nang gustong gumawa ng ganitong klaseng pelikula and you rarely see this specially sa television or Philippine movies. I’m just grateful na sa akin ito talaga napunta,” sabi ng magaling na actress na as much as possible ay ina-avoid na idikit ang trabaho at lovelife niya.

Ang The Other Wife ay tungkol kay Janis (Lovi Poe) at Ronnie (Joem Bascon), ang mag-asawang gustong ayusin ang kanilang pagsasama. Upang ayusin ito, nagbakasyon sila sa kanilang beach house. Darating naman si Luisa (Rhen Escaño) sa beach house, kababata ni Ronnie. Sa unang araw pa lang nila sa beach house ay may mga kakaibang pangyayari, gaya ng isang babaeng nakikita ni Janis na hindi naman niya kilala. Napapansin din ni Janis na parang may ibang gumagamit ng kanyang mga gamit gaya ng hairbrush at sabon. Ngunit pinipilit ni Ronnie na sila lang talaga ang tao sa beach house. May kasama ba silang ibang babae sa bahay na pilit inililihim ni Ronnie?

 Mula ito sa direktor ng Ang Mananggal sa Unit 23B at Sleepless na si Prime Cruz.

Kasalukuyan na itong napapanood sa Vivamax.

 

 

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with