^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad na matulungin, iniwan sa bagong laban ng mga kaibigan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakatindi ng pinagdadaanang pagsubok ngayon ng isang kilalang-kilalang lalaking personalidad. Kung gaano siya kasikat ay ganu’n din pinagpipistahan ang kontrobersiyang kinapapalooban niya ngayon.

Ito na nga siguro ang ­pinakamatinding paghamon na dumating sa buhay ng sikat na male personality. Pero wala siyang ­inuurungang laban, ganu’n siya katapang, meron siyang paninindigan.

Kuwento ng aming source, “Hindi maganda ang timing ng pino­problema niya ngayon. Kung kailan pa naman siya papagitna sa panibagong laban sa career niya, saka tumiyempo ang ganitong controversy.

“Mahirap ang sitwasyon niya, ang dami niyang kalaban, para ngang pinagkakaisahan siya, e!” sabi ng aming impormante.

Kilalang-kilala ang male personality sa ­pagiging mapagkumbaba. Marami rin siyang tinutulungan. Hindi niya sinosolo lang ang kanyang mga biyaya. Pero ang tanong, nasaan na ang mga taong nakapalibot sa kanya nu’n, bakit parang nagkawalaan na?

Patuloy ng aming source, “Ganu’n naman talaga ang nangyayari, di ba? Nalalaman natin kung sinu-sino talaga ang mga tunay nating kaibigan kapag may dumarating na pagsubok.

“Ang karamihan, e, biglang nawawala, iilan lang ang naiiwan, nasaan na nga ba ang mga kaibigan niya? Bakit parang iilan na lang ang nakakasama niya?

“Nasaan na ‘yung mga taong nakabantay sa kanya kapag nagtatagumpay siya? Ano ‘yun, balato lang pala ang kailangan sa kanya ng mga nagpapakilalang kaibigan niya?

“Dapat, e, matuto na siyang magmarka ngayon. Hindi lahat ng mga taong nakapaikot sa kanya sa panahon na success siya, e, kaibigang tunay talaga!

“Nasaan na sila ngayon? Bakit parang natatakot silang ma-identify sa male personality? Bakit nu’n, kahit saan magpunta ang sikat na personalidad, e, nandu’n din sila?

“Mga kaibigan lang ba sila sa halakhakan, pero pagdating sa tunay na laban, e, nagkakawalaan na sila?” pak na pak na madiing tanong-opinyon ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Aktor na winner ang katawan, sanay umihi nang may kasabay

Pangingit na blind item lang ito. Sino naman ang kilalang male ­personality na hindi pumapasok sa CR kapag walang dyumidyinggel sa loob?

Sabi ng aming source, “Ang inaabangan niya, e, kung sinu-sino ang pumapasok sa CR. Kapag may mga kalalakihan na sa loob, e, saka lang siya pumapasok para sa tawag ng kalikasan.

“Ganu’n ang drama niya sa gym kung saan siya nagpupunta. Kahit ihing-ihi na siya, e, pigil siya nang pigil, dahil walang sighting kapag mag-isa lang siya sa loob!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha! Oo naman, guwapo at panalung-panalo ang katawan ng male personality. Pero kinukuwestiyon palagi ang kanyang gender.

Sharon tumatak ang kahusayan sa pakikisama

Napakapositibo ng imahe ni Sharon Cuneta bilang artista. Mula nu’n hanggang ngayon ay wala tayong naririnig na kuwentong nag-inarte siya sa set, na na-late siya sa calltime, puro papuri ang impormasyong nakararating sa atin.

Ipinagmamalaki rin ng mga talents (extra) ang pagiging parehas ng pagtingin ng Megastar sa malalaki at maliliit na artista.

Kuwento ng isang anak-anakan naming ilang beses na niyang nakakasama sa pelikula, “Ay, iba po si Mega! Naturingang napakasikat niya, pero pati kaming mga extra, pinahahalagahan niya.

“Kapag break namin, iikutan niya ang mga ­talents, ‘­Okey ba kayo d’yan? Kain na tayo, ha? Para may panglaban uli tayong energy mamaya!’

“Ganu’n po siya kabait, wala siyang ­pinipiling kausapin, pati kami na sino ba naman kung tutuusin, e, kinukumusta niya,” sabi ng aming kausap.

Sa shooting ng pinakahuli niyang pelikula, ang Revirginized, ay ganu’n din ang kuwentuhan. Sobra silang saludo kay Sharon, bihira lang daw silang makaengkuwentro ng sikat na sikat na artista, pero walang kaartehan sa buhay.

Walang karekla-reklamo, kahit kulang na kulang siya sa tulog at pahinga, kapag sinabi ni Direk Darryl Yap na kailangan nilang hulihin ang pagputok ng araw sa kanilang mga eksena ay dumarating si Sharon nang naka-make-up na at sasalang na lang.

Sabi ni Direk Darryl, “Iba si Sharon. Regalo siya ng industry sa mga ­producers at directors. Napaka-professional niya, marunong makinig, mabait sa mga co-actors niya!”

Ang palaging nakatatak sa utak ng Megastar ay simple lang, “Lahat kami, mahalaga ang oras namin. It’s not only me na gustong mapadali ang trabaho para makauwi na ako, sila rin.

“Sabi nga, di ba, ‘If you want to go fast, go alone. But if you want to go far, go ­together as a group.’ Walang bida-bida, walang kung sino ang sikat, kailangang sama-sama kaming lahat para mapadali ang trabaho,” paninindigan ni Sharon Cuneta.

 

 

vuukle comment

PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with