^

PSN Showbiz

Andrea, magiging aligaga sa trabaho

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Andrea, magiging aligaga sa trabaho
Andrea.

May mga nakikita na kaming posts ng ilang GMA executive na production meetings at kasama na roon si Mr. Johnny Manahan o mas kilalang si Mr. M.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, isa siya sa magsa-suggest kung sino sa mga star ang gagamitin sa isang particular project na binubuo.

Nilinaw raw talaga ni Mr. M na dapat priority ang mga home grown talent bago ang ibang galing sa kabilang network.

So far, okay naman daw sa GMA Artist Center at kailangan lang daw ma-meet lahat ni Mr. M ang mga ­artist ng naturang talent management group.

Isa nga sa natuwa sa pagpasok ni Mr. M ay si Andrea Torres na dati ring nasa Star Magic.

“I’m sure his transfer will not only bring positive changes to the network but also in the lives of the artists here in GMA,” bahagi ng text sa akin ni Andrea nang hiningan ko siya ng reaksyon sa paglipat ni Mr. M sa GMAAC.

Samantala, kasama si Andrea sa magagandang plano ng GMA 7 at isa na nga rito ang sinasabing sitcom na maaring pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz pero wala pa naman daw official announcement ang network at kung talagang tuloy na ito, saka na siya magbibigay ng komento.

Kaya kung matutuloy iyun, hindi maiwasang muling madalirot ang isyu ng exes nila. Dating si Ellen Adarna ang karelasyon ni Lloydie, at si Andrea naman ay si Derek Ramsay.

Pero sa ngayon ay naka-focus muna ang Kapuso actress sa Legal Wives na gustung-gusto niya ang role niya bilang si Dianne San Luis ang Christian wife ng Muslim na si Ismael Makadatu na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.  Sa July 26 na magsisimula ito pagkatapos ng The World Between Us.

Nudity ni Paolo, di kinaya ng ina

Masaya si Paolo Gumabao, dahil magagandang feedback ang nakarating sa kanya mula sa mga nakapanood sa special screening ng pelikula niyang Lockdown.

Kahit dun sa teaser ay nagku-comment ang iba na kamukhang-kamukha raw talaga ni Paolo ang ama niyang si Dennis Roldan.

Sabi ni Paolo nang hiningan namin siya ng reaksyon tungkol dito; “Actually, nung una ko pong nakilala yung Papa ko nung 15 years old po yata ako nun, kasi hindi ko naman po siya kasamang lumaki.

“Nung pagkita namin, tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo, up and down. Sabi niya sa akin, ‘anak nga kita’.

“Ako naman nagtaka ako, sabi ko ha? Hindi po ba tayo magpa-DNA test? Kasi ini-expect ko magpa-DNA test para maniwala siya eh. Pero sabi po niya hindi na raw.”

Dahil sa pandemic ay mahirap na raw dalawin ang Papa niya, pero alam niya napapanood naman daw siya sa TV.

Maganda ang Mama ni Paolo na nakita namin sa special screening ng pelikula niya.

Natawa na lang ang aktor nang nalaman niyang pumikit na lang daw ang Mama niya nang lumabas ang frontal nudity nito sa pelikula. Sinabi raw ng Mama niya sa kasama nito, na sabihan na lang siya kapag tapos na ang frontal nudity para ituloy na niya ang panonood.

Pero proud na proud daw ang Mama niya sa pelikulang iyun at pawang papuri ang naririnig niya. “I was overwhelmed, and siyempre, sobrang saya ko dahil matagal ko na po talagang pinaghirapan ang work na ‘to.

“Nakakatuwa po at nakakataba ng puso na ang dami pong nakapansin dahil sa Lockdown. Kaya nagpapasalamat po talaga ako sa producer namin si Jojo Barron saka si direk Joel Lamangan dahil binigyan po nila ako ng pagkakataon na makilala at maipakita kung ano po yung kaya kong gawin,” pahayag ni Paolo nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang linggo.

Sa July 23 na mapapanood ang Lockdown sa KTX.Ph, Upstream.ph, RAD app at WeTV.

Nakatakda na rin pala itong lumaban sa 2021 Asian Film Festival  na gaganapin sa Barcelona, Spain sa November.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with