^

PSN Showbiz

Dennis, hanggang throwback lang ang bonding sa mga anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dennis, hanggang throwback lang ang bonding sa mga anak
Dennis at Julia

Habang nakikita sa social media ang bonding ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto kasama ang mga kapatid at ang mommy niyang si Marjorie Barretto, nag-post naman si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account ng throwback picture nina at Julia at Claudia Barretto.

Nasa caption ng post na iyon ni Dennis; “Julia and Claudia…Miss you mga anak (heart and praying emoji)”

Naka-tag sa mga anak niya ang post na iyon, pero nung na-check ko kahapon, wala pa akong nakitang may nag-reply sa mga anak niya. Napansin na nga ng ilang followers na hindi man lang daw nila sinasagot ang post na iyon ng kanilang ama.

Magkasunod ang post sa social media na todo ang bonding ni Gerald kay Julia kasama ang pamilya. Merong nag-fishing sila sa Subic at ang latest na ipinost ni Julia ay nasa Baguio sila.

Nakikitang close na si Gerald kay Marjorie at sa mga kapatid ni Julia.

Merong kuhang kasama ni Gerald ang bunsong kapatid ni Julia na si Erich.

Kaya tinatanong na ng iba, kailan naman daw kaya makaka-bonding ni Dennis ang mga anak niya at mga si Gerald?

Kelley day, umaming may nararamdaman kay Alden

Bukod sa tambalan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa The World Between Us, napansin din namin si Kelley Day na gumaganap bilang si Audrey na pinagseselosan ni Emilia (Jasmine).

Naka-text nga namin si Kelley at natutuwa siya sa magandang feedback na nakakarating sa kanya. Ang ganda niya sa naturang series at bumagay sa kanya ang role.

Thankful si Kelley dahil napaka-supportive raw sa kanya si Alden at ang buong production staff. Pati raw ang ibang cast na naging close na rin niya ay nagbibigay din sa kanya ng tips. Kaya ang suwerte raw niyang napabilang siya rito sa The World Between Us.

Hindi raw niya maiwasang kabahan lalo na sa mga eksena nila ni Alden dahil feeling daw niya iba na ang status ng Kapuso actor at baka mag-react ang fans sa role na ginagampanan niya. “I was worried that I wasn’t worthy enough to act alongside him, since limited ang acting experience ko. But whenever I expressed my nerves/worries sa kanya, super comfor­ting siya sa akin by telling me I’m doing well and giving me lots of advice tungkol sa craft namin,” banggit niya sa text niya.

Nahihiya lang aminin ni Kelley na crush niya si Alden. Maaaring natatakot lang siyang kuyugin siya ng fans.

Kaya naman nakikita sa mga eksena nila ang pagkagusto niya sa Asia’s Multimedia Star.

“There is no doubt that Alden has a very lovable personality! He is such a pleasure to be around, at talagang cute ang dimple niya hahaha! Admittedly…siyempre may konting crush ako sa kanya.

“I mean, sino ba naman ang hindi, kasi nakaka-starstruck talaga siya. Pero more than anything, I really look up to him as a mentor sa craft namin, and nagpu-focus po talaga ako sa career ko ngayon,” dagdag na text ni Kelley sa akin.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with