^

PSN Showbiz

Dalawang aktor nagpapalamig muna bago lumipat!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malakas ang ugong ng balita na konting panahon na lang ang kailangang lumipas tungkol sa paglipat sa ibang istasyon ng dalawang pamosong female personality.

Parehong itinuturing na poste sa kanilang istasyon ang dalawang lalaking personalidad. Bumibida sila sa mga ginagawa nilang serye, ilang beses na rin silang sinugalan ng kanilang network sa mga pelikula, walang kuwestiyon ang kanilang popularidad.

Pag-alala ng aming source, “Dati, kapag biglang nangingibang-bansa ang mga artista, e, may kuwentong preggy sila at du’n manganganak sa ibang bansa.

“Totoo naman ang iba, pero meron ding kuwentong sablay, nagbakasyon lang naman pala ang personalidad at hindi pregnant.

“Pero iba na ang uso ngayon, kapag nag-abroad ang artista at nag-stay du’n nang ilang buwan, sa pagbabalik nu’ng artista, e, lilipat na pala siya ng network.

“Ganu’n ang ginawa nu’n ng isang sikat na female personality, di ba? Ang press release ng kampo niya, e, mag-aaral daw siya sa ibang bansa, pero habang nandu’n pala siya, e, inaayos na ng manager niya at ng mga executives ng network ang paglipat niya,” kuwento ng aming impormante.

Maraming nag-iisip ngayon na ganu’n din ang gagawin ng mga male personalities na plano na ring kumabilang-bakod. Hindi na raw maiinip ang publiko dahil bubulagain na lang tayo ng paglipat nila.

Patuloy ng aming source, “Palagay ng mga insiders, e, ganu’ng strategy rin ang gagawin ng mga male personalities na palipat na sa kabilang network.

“Aalis muna sila, may gagawing project sa ibang bansa, pero hindi naman sila magtatagal du’n. Sa pagbabalik nila, e, puputok na ang balitang lilipat na rin pala sila ng network!

“Hindi imposibleng mangyari ‘yun, lalo na ngayong marami nang kasamahan nila ang naglilipatan dahil sa kakapusan ng trabaho sa home studio nila!

“’Yung isang male personality, e, balitang bina-back-up-an ng very close sa kanyang boss niya dati sa kabilang network na nauna nang nakalipat.

“Ang isa naman, e, galing na rin sa lilipatan niyang istasyon, du’n siya nagsimula bilang contestant na nagtagumpay, tapos na pala nu’ng last year pa ang contract niya.

“Wait na lang tayo kung kailan sila lilipat, kung walang magiging hadlang, e, sigurado nang mapapasama sila sa mga bagong contract stars ng network na inaasinta nilang lipatan.

“Papa naman, napakalakas na ng alingawngaw ng kuwento ng paglipat nila, ume-echo na sa lahat ng sulok, kaya wait na lang tayo,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Princess, tahimik lang sa pagtulong

Sa magkakapatid na Revilla ay si Princess ang pinakamahiyain at tahimik lang. Nag-artista rin siya, bumida sa pelikulang Blusang Itim, pero pagkatapos nu’n ay sumentro na siya sa pagnenegosyo.

Pepes ang kanyang palayaw, hango sa pangalan ng namayapa nilang ama na Pepe kung tawagin ng mga kaibigan, Pepe’s girl si Princess Revilla.

Nagulat kami, napanood namin ang pinakauna niyang FB live stream, kaarawan niya nu’ng July 10 pero sa pagsalubong ng kanyang birthday ay namahagi sila ng sorpresa ng kanyang anak na si Igi Revilla Ocampo sa kanilang mga followers.

Kung parang hindi tumatanda si Princess ay napakaguwapo naman ni Igi, hindi maikakailang Revilla ang binata, dahil sa kanyang itsurang tatak ng pamilya.

Pero ang napakasarap panoorin-pakinggan sa kanyang live stream ay ang pagbati kay Princess ng kanyang mga kapatid sa pangunguna ni Senador Bong. Meron ding mensahe para sa kanya sina Congressman Strike, Mayor Andeng pati sina Rowena at Diana.

Isang taon lang pala ang pagitan nila ni Senador Bong, nag-post pa ang aktor-pulitiko ng mga larawan nila ng kanyang Ate Pepes nu’ng mga bata pa sila, pati ang mga lumang larawan nilang magkakapatid.

Ang sarap pakinggan ng sinabi ni Senador Bong na isa si Princess sa pinakaespesyal na babae sa kanyang buhay, kakambal ng kanyang pagbati ng maligayang kaarawan sa kanyang ate ay sinsero ang kanyang pasasalamat, kapansin-pansin na lahat ng mga bumati kay Princess ay nagpapasalamat sa maganda niyang puso.

Tahimik lang si Princess, pero napakarami niyang natutulungan sa pamamagitan ng kanyang mga outreach programs na minana niya sa kanilang inang si Mommy Azucena.

Walang step brother o step sister para kay Princess, pangako niya ‘yun sa kanyang ama bago pumanaw, sa kanyang kapasidad ay wala siyang pababayaang sinuman sa kanilang pamilya.

Pagdating sa pagkakaisa ay walang tatalo sa magkakapatid na Revilla, sobra ang pagmamahalan at respetuhan nila, alam nila na ‘yun ang makapagpapaligaya sa kanilang mga magulang sa kabilang buhay.

Isang malayuang pagbati ng maligayang kaarawan kay Princess Revilla! Matapos na sana ang pandemya para muli tayong magkita-kita.

Pagpalain ka sa magandang puso mo.

vuukle comment

PRINCESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with