^

PSN Showbiz

Angel: ‘mabuti nang chubby kaysa ugly’

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel: �mabuti nang chubby kaysa ugly�
Angel

Mula noong isang taon ay labis nang pinag-uusapan lalo na sa social media ang tungkol sa timbang ni Angel Locsin. Kapansin-pansin kasing malaki na ang ipinagbago ng katawan ng aktres ngayon kumpara noon.

Tinanggap na lamang ni Angel ang lahat ng kanyang nababasa at naririnig tungkol sa kanyang pisikal na pagbabago. “Hindi ako nagsalita kasi parang, anong sasabihin ko? ‘Yon ang opinion nila sa sarili ko eh. Totoo naman, mataba naman talaga ako. Pero hindi naman masusukat noon kung sino ako. Mabuti nang chubby kaysa ugly,” nakangiting pahayag ni Angel.

Para sa aktres ay wala namang problema sa kanyang pisikal na kaanyuan. Ang mahalaga umano ay kung ano ang naibibigay o nagagawa para sa lipunan ng isang tao. “Kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I’m sorry to hear that. But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay sa table,” giit ng dalaga.

Naniniwala si Angel na mas mahalaga ang pagmamahal sa sarili kaysa pakinggan ang panghuhusga sa kanya ng mga tao. “Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan. Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin. Wala ako dito, wala akong kabuhayan. So I am just ­really grateful,” pagtatapos ng aktres.

Nikko, ipinagmamalaki ang pagiging maharot / pilyo

Masayang-masaya si Nikko Natividad dahil kabi-kabila ang ginagawang proyekto ngayon. Bukod sa It’s Showtime Online Universe at teleseryeng Init Sa Magdamag ay napapanood din ang aktor sa sitcom na GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes. “Lagi kong pinagdadasal sa Diyos na hindi man ako yumaman or hindi man ako maging successful sa buhay, huwag lang kaming bumalik sa dati ng partner ko sa dati naming buhay na walang-wala. So masaya ako kasi pinapabawi ako ni Lord eh. Lalo sa panahon ngayon at kahit hindi naman pandemic uhaw ako sa trabaho kaya nagpapasalamat ako sa buhos ng biyaya,” pagbabahagi ni Nikko.

Aminado ang aktor na malaki ang naitulong ng pagiging komedyante at maharot niya sa totoong buhay sa kanyang bagong digital series. Kinaaaliwan din ng netizens ang pagiging pilyo ni Nikko sa kanyang Instagram account. “Gano’n din talaga ako kahit sa harap ng partner ko, sa anak ko. Maharot ako, ‘yon ‘yung pinagmamalaki ko na meron ako siguro. ‘Yung sense of humor na binigay sa akin ng Diyos, kaya masaya ako na shini-share ko ‘yun sa social media. Kasi kapag nakakabasa ako ng good comment, nawawala ‘yung anxiety ko at depression na pinagdadaanan,” paglalahad ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with