_ngayon
^

PSN Showbiz

Diego, inaming nahawa ng COVID-19 kay Barbie

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Diego, inaming nahawa ng COVID-19 kay Barbie
Barbie at Diego
STAR/ File

Kamakailan ay nagkaroon ng covid-19 si Diego Loyzaga. Nahawa umano ang aktor sa kasintahang si Barbie Imperial na siyang unang tinamaan ng nakamamatay na sakit.

Malaki ang pasasalamat ni Diego dahil hindi naging malala ang epekto sa kanya ng covid. “I was there with her. Pareho po kaming nagkaroon kasi hindi namin alam noong time na ‘yon. I was taking care of her then nagpa-test siya. It came out positive so I got to test din,” kwento ni Diego.

Nagpositibo sa virus si Barbie habang ginagawa pa ang teleseryeng Bagong Umaga noong Abril.

Matatandaang nagka-covid din ang iba pang kasama sa serye katulad nina Tony Labrusca, Sunshine Cruz, Nikki Valdez at Keempee de Leon. Mabuti na naging asymptomatic lamang si Diego nang mahawa kay Barbie. “Mas malakas ‘yung resistance ko sa kanya. Kasi it didn’t last long sa akin. Wala akong naramdaman. Wala pang two weeks, I tested negative already. Parang it passed me lang. Pero Barbie was okay, she got better. Malakas ‘yung si Bie, she’s strong,” dagdag ng aktor.

Para kay Diego ay hindi dapat balewalain nino man ang covid-19 dahil marami na ang namatay dito.

Kahit mayroon nang mga nabakunahan ay kinakailangan pa ring magdoble-ingat ang lahat. “Honestly, I’m speaking for myself. It wasn’t difficult like other people experiencing it around the world. ‘Yung pinagdaanan namin wasn’t so bad, thank God. Pero the virus itself is not a joke. Kasi there’s people dying around the world because of it. Pero ‘yung sa aming dalawa, we were okay,” pagtatapos ng binata.

Michelle, nakatapos ng college sa tulong ni Enzo

Malaki raw ang naitulong kay Michelle Vito ng kasintahang si Enzo Pineda upang makatapos ng kolehiyo ang dalaga. Nakapagtapos sa kursong Human Resource Management ang aktres noong Marso. “Kapag may mga rant ako siyempre kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko, ‘yung pinagdadaanan ko noong college ako. Especially noong nagti-thesis ako. Sa kanya ko talaga nilalabas ‘yung bigat ng napi-feel ko, nasi-share ko. Saka okay sa kanya ‘yung comfort food ko, ice cream, milk tea ibinibigay niya sa akin. Ang laking bagay na may nakakausap ka at may nalalabasan ka ng sama ng loob sa mga nangyayari sa iyo,” kwento ni Michelle.

Ngayong nakapagtapos na sa pag-aaral ay gusto muna ng aktres na pagtuunan ng panahon ang show business. “Gusto ko po ngayon muna na mag-focus sa pag-aartista. Pero hindi ko kino-close ang isip ko na gusto ko ma-try mag-aral ng sa corporate world. Lalo na ngayong pandemic, ang daming opportunites na mag-work from home. Baka kaya ko talaga pagsabayin. Siguro kapag kinaya ko and may time talaga, gusto ko rin mag-masteral pa ng counseling,” pagbabahagi ng dalaga. (Reports from JCC) 

DIEGO LOYZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with