^

PSN Showbiz

Kilala na, Vic pagbabayarin ang nagkakalat tungkol sa kanila ni Julia!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kilala na, Vic pagbabayarin ang nagkakalat tungkol sa kanila ni Julia!
Vic at Pauleen
STAR/ File

Hindi rin pala nakapagpigil si Vic Sotto, naglabas din siya ng kanyang hinaing sa kumakalat na fake news tungkol sa kanila ni Julia Clarete.

Ang tindi naman kasi ng balitang ikinakalat na siya raw ang tatay ng anak ni Julia, hanggang sa napunta na sa kuwentong demandahan.

May mga ilang kaibigan kami na parang gusto nang maniwala, pero hindi na kami nag-effort na hingan ng reaksyon si Bossing Vic tungkol dito dahil obvious namang fake news lang talaga at click bait lang ito sa blog ng mga kumakalat ng maling balitang ito.

Hindi rin nga namin tinanong si Pauleen Luna tungkol dito.

Pero noong nakaraang Sabado, July 10, ay nagsalita na rin si Bossing Vic sa Eat Bulaga.

Wala naman siyang tinutukoy na isyu, pero ang sabi lang niya; “Eto makinig kayo hehehe! Sa mga… eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyber bully o gumagawa ng fake news, o naninira ng tao sa social media, lalo na o sa ibang paraan. Lagi ‘nyong tandaan na may nasasaktan kayo, at iyan ay pagbabayaran ninyo.

“Huwag n’yong isipin na pinapalagpas lang ng iba ay mahina o naduduwag, nakikita kayo. Tandaan ‘nyo yan, nakikita kayo, at hindi natin ‘yan palalampasin.

Darating ang araw na may paglalagyan kayo.

Iyon ang huli, ‘nyo.

“Abangan n’yo yan. ‘Yung mga nambu-bully o nami-meyk news, abangan nyo. ‘N’yo!”

Sumisingit si Jose Manalo na pinagdiinan ang ‘nyo.’

Naiintriga kami sa sinasabi niyang “may paglalagyan kayo” at ‘yung idinidiin nila ang ‘n’yo’ at ‘kayo.’

Kilala na kaya nila kung sino ang may kagagawan nito, na hindi lang isa kundi marami na gusto lang siyang siraan?
Ito rin kaya ang mga nagkakalat ng mga death hoax ng mga kilalang artista?

Dapat talagang malaman na kung sino ang mga gumagawa nitong fake news, dahil ang dami rin nilang napapaniwala ng mga imbento nilang balita.

Lovi, ibang-iba ang ginawa sa bagong pelikula

Hindi naman isinasara ni Lovi Poe ang posibilidad na maghubad siya sa mga susunod na pelikulang gagawin niya.

Itong ginawa nga niya sa Viva na The Other Wife ay akala niya kagaya rin ng mga nagawa niyang pelikula, pero ibang-iba pala.

Sabi nga nila, another acting vehicle na naman ito ni Lovi sa isang mystery-psychological thriller, pero may sexy scenes pa rin.

Hindi lang maibigay ni Lovi ang buong detalye ng ginawa niya sa pelikulang ito, dahil sa mga twist sa kuwento. Pero may daring scenes daw sila rito ng isa pang Viva artist na si Rhen Escaño. Hindi lang niya masabi kung sino sa kanila ni Rhen ang mas daring dito. “It really depends eh on how you see it. Kasi may ibang karakter si Rhen na ipinakita, meron din po sa akin.

“It has nothing to do with the intimate scenes or love scenes. Parang magkaibang-magkaiba ‘yung pagka-daring eh,” pakli ni Lovi nang makatsikahan namin sa virtual mediacon noong nakaraang Linggo.

Pero sabi naman ni Lovi, okay naman daw siyang maghubad o magpaka-daring sa mga susunod niyang pelikula, depende naman sa project.

“As an actor I think, I feel like better ‘pag hindi siya dinadaya. But of course there are scenes… when you do love scenes there are camera angles, camera tricks na nagagawa na parang ma-execute na magmukha siyang totoong love scenes.

But I’ve been there so many times in the past. Maybe I never said lay low, but the project calls for it, if it’s needed,” saad ni Lovi.

Sa July 16 na mapapanood ang The Other Wife sa Vivamax, iWant TFC. KTX.Ph at TFC IPTV.

Dire-diretso si Lovi sa isa pang pelikula sa Regal na sinu-shoot ngayon sa Ilocos.

Saka aasikasuhin pa niya ang ginagawa niyang album at baka babalik siya uli ng Amerika.

Masaya nga ang aktres na kinuwento sa amin ang pagkikita nila ni Ruby Rodriguez na nagtatrabaho na sa Amerika. Nagkasama sina Lovi at Ruby sa huling series niya sa GMA 7 na Owe My Love. Naging close silang dalawa sa set at napapag-usapan nga raw nilang magkikita sila roon sa Amerika.

“Ever since, alam ko lagi siyang nasa States. When I was there, never kami nagkaroon ng chance na magkita. Pero after doing our show sa Owe My Love, sabi namin when we’re both there we promised na magkikita kaming dalawa.

“So, mahirap ‘yung schedule because she’s been working there and medyo magkaiba ang schedule naming dalawa. But we find time and spent lunch together.

“It was just nice kasi parang nag-continuation lang kami ng Owe My Love pero sana with everyone… pero ‘yun nga, at least ‘yung friendship tuluy-tuloy pa rin kahit tapos na ‘yung Owe My Love.

“So, nagkita kami. We have lunch, next time magkikita pa kami the moment I fly back,” pakli ni Lovi na mukhang ang dami pa niyang tinatapos bago niya desisyunan kung magri-renew ba siya ng kontrata sa GMA 7.

vuukle comment

JULIA CLARETE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with