Hunk actor papalit-palit ng Sasakyan kahit pandemya!
Problemado ang maraming personalidad ngayon sa katumalan ng trabaho. Napakarami nilang nag-aagawan sa proyekto, butas ng karayom ang pinagdadaanan nila bago makuha ang trabaho, matindihan ang labanan ngayon.
May mga artistang takot lumabas, natatakot silang magkasakit, pero hindi naman sila lalapitan ng trabaho kapag nasa bahay lang sila.
?Kuwento ng aming source, “Ano ‘yun, sila pa ang magtatampo sa biyaya? Ano ang mangyayari sa kanila kapag nasa bahay lang sila? May suwerte pa bang maaasahan ang mga artistang ayaw lumabas?
?“Paano na ang buhay nila, lalo na ang mga wala namang ipon? Wala silang choice kundi ang lumabas at magtrabaho para sila mabuhay!” madiing simula ng aming impormante.
?Pero may isang male personality na kayang mabuhay nang hindi lumalabas para mag-lock in taping. Kayang-kaya niyang manatili lang sa bahay dahil isang maliit na kuwarto lang ang puhunan niya sa pagtatrabaho.
?Kuwento ng aming source, “Ang galing-galing talagang dumiskarte ng hunk actor na ‘yun. Simple lang siya, hindi maingay, pero tuluy-tuloy ang pagdating ng biyaya sa kanya.
?“Alam n’yo na kung paano siya kumikita, matindi rin ang kanyang puhunan, ang inaalagaan niyang katawan namapanghalina naman talaga.
?“Hindi niya ‘yun aaminin, pero marami na rin siyang nakakaengkuwentro via his own channel, ibang klase talaga siyang umatake!
?“Nakapagtataka pa ba naman ‘yun, e, naikot na yata niya ang buong mundo sa pagsama sa madadatung na beki nang palihim? Pero hindi rin siya maingat, nabubuking din siya, magkapareho kasi ang background sa mga pictures nila ng ka-date niyang beki!
?“Pero wapakels ang hunk actor, ang importante sa kanya, e, meron siyang kabuhayan showcase nang walang kahirap-hirap! Nasusunod niya ang mga luho niya, paboloso ang buhay ng pamilya niya!
?“Papalit-palit nga ng karu ang hunk actor ngayong pandemya, e! Takang-taka siyempre ang mga kasamahan niyang artista kung paano niya nagagawa ‘yun, samantalang madalang na madalang naman ang trabaho niya!
?“Sabi nga ng isang beking nakakaalam ng trabaho ng hunk actor, ‘Bakit, hindi ba mahirap ding trabaho ang ginagawa niya? Nakakapagod din ‘yun, kailangan niyang kumain ng masustansiya para tumagal siya!’
?“Kabog silang lahat sa utak ng hunk actor, sa totoo lang! Pagdudahan n’yo na ang gender niya hanggang gusto n’yo, pero wala siyang pakialam sa hirap ng buhay ngayong pandemya!” pagtatapos ng aming source nanakataas ang kilay.
?Ubos!
Pagkandidata ni Jinkee, kalat na kalat na!
Hanggang hindi nanggagaling mismo sa bibig ni Jinkee Pacquiao ang kumpirmasyon ay ipagpapalagay naming walang katotohanan ang kalat na kalat na isyung tatakbo siyang mayor ng Makati City.
?Mismong mga taga-Makati ang pinanggalingan ng kuwento, may mga kinakausap na raw na tagapamuno ng barangay ngayon ang misis ng Pambansang Kamao, bilang paghahanda sa kanyang kandidatura.
?Isang kilalang male singer ang tumawag sa amin, magtanung-tanong daw kami kung totoong tatakbong mayor ng Makati ang misis ni Pacman, ‘yun daw kasi ang pinagpipistahang isyu sa Makati.
?Parang malayo sa katotohanan ang balitang ito, kung kakandidato man uli si Jinkee ay mas gugustuhin niyangtumakbo sa kanilang probinsiya, kesa sa Makati na alam naman natin kung ano ang naghihintay na kapalaran sakanya.
?Sa Makati pa ba naman pipiliing makipag-agawan sa puwesto ni Jinkee? Alam niya naman siguro ang takbo ng pulitika sa lunsod? Sabi nga mismo ng mga tagaroon, habang may Binay pang nakatayo, walang kahit sinong puwedeng maupo sa Makati.
?Babanggain ba naman niya si Mayor Abby Binay, ang mayorang walang inuurungan, sakit ng katawan lang ang naghihintay kay Jinkee Pacquiao kapag nagkataon.
?Baka naman may dinaluhan lang na pagtitipon si Jinkee sa Makati, ang bulate ay naging ahas na agad, hanggang sa nanganak na nang nanganak ang kuwento natatakbo siyang mayor ng Makati.
?Isang pilosopo naming kaibigan ang nagsabi na hindi raw gugustuhin ng sakit ng ulo ni Jinkee, paano na raw ang kanyang pagpo-post sa IG na balot na balot ng alahas at puro branded stuff ang suot niya, hindi na raw niya ‘yun maaasikaso.
?Naniniwala kaming walang kaplanu-planong lumahok sa pulitika sa Makati ang misis ni Senador Manny Pacquiao. Minsan na siyang sumubok, pero nasaktan siya, kaya hindi na niya gugustuhing pasukin pa uli ang mundong nagpapahirap ngayon sa kanyang mister.
?Matindi ang bitbit na problema ngayon ng senador, para itong punching bag na halinhinang inuupakan ng mga kumakalaban sa kanya, kaya ang unang-unang pagtutuunan ng panahon ngayon ni Jinkee Pacquiao ay ang suportahan ang kanyang asawa.??
- Latest