_ngayon
^

PSN Showbiz

Aljur bagay raw sa Legal Wives, Robin pinagmu-muslim sana ang dating manugang

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Aljur bagay raw sa Legal Wives, Robin pinagmu-muslim sana ang dating manugang
Aljur
Video grab from Cornerstone's Instagram

Sana raw pala isinama na lang ng GMA 7 sa teleseryeng Legal Wives si Aljur Abrenica. Inaabangan na kasi ang salpukan nina Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres sa upco­ming GMA primetime series na Legal Wives.

Iikot ang kuwento ng serye sa Mranaw na si Ismael (Dennis Trillo) at sa tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan. 

Challenging daw para kay Andrea ang karakter niyang si Diane, ang nag-iisang Kristiyano sa tatlong asawa, “I think ang pinaka-challenge is to find that balance kasi there are so many layers to her character, napakarami niyang pagdadaanan dito.”

Bagong perspektibo naman daw ang naibigay ng serye kay Bianca, na gaganap bilang pinakabatang asawang si Farrah, “Ngayon nandito ako at nakikita ko lahat, sa totoo lang sobrang daming matututunan pati about life eh – ‘yung perspective sa buhay, kung paano mo titingnan ‘yung mga sitwasyon.”

Samantala, magandang paraan naman para kay Alice ang kanilang programa upang higit na mas makilala ng viewers ang kultura ng mga Muslim, “They’re actually very loving, God-fearing people. They have the same goals and desires in their lives. They have strong family bonds.”

Sinabi kasi sa second part ng interview ni Ogie Diaz kay Robin Padilla na wala naman siyang maa-advise kay Kylie dahil failed din ang marriage nila ng mommy ni Kylie na si Liezl Sicangco.

“Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko eh failure din kami ng mama niya. Ano’ng credibility ko? Sabi ko, ‘Pag-Muslimin mo na lang si Aljur,” na hindi naging maganda ang dating sa mga nakabasa at nakarinig sa nasabing pahayag ng actor na isang Muslim.

Samantala, ilang beses nang naudlot ang pagpapalabas ng Legal Wives, pero tuloy na raw ito sa July 26.

KC at Sharon, ‘di pa nagkikita sa Amerika

Hindi pa nagkikita ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa Amerika.

Wala pa silang post na magkasama. Si KC ay makikitang nasa supermarket at nakakaramdam na ng normalcy habang nasa Los Angeles.

“Someone made grocery shopping great again. Going to the grocery here in America feels bittersweet because for so long throughout this pandemic, many of us avoided crowded areas, supermarkets, shops. Memories of panic buying keep flashing back!!! Thankful that mundane things can feel leisurely again, rather than a survival activity or life-or-death thing. Things are back to ‘normal’ here, with precautions here & there. But being able to move around calmly + freely is something I’ll never ever take for granted.

“Also, I am VERY glad you didn’t see me doing a stupid happy dance in the toilet paper aisle. I must say it felt verrry nice.”

ALJUR ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with