^

PSN Showbiz

Tanong ni Boy Abunda sa binibini, gumawa ng ingay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tanong ni Boy Abunda sa binibini, gumawa ng ingay
Boy

Nagpiyesta ang mga netizen sa kapu-post ng mga ko mento sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2021.

Kaya nag-trending ang Binibining Pilipinas, si Catriona Gray, tito Boy Abunda, ang hair flip ni Nicole Cordoves at pati ang mga kandidatang malakas noong gabing iyon.

Sina Catriona at Nicole ang hosts sa naturang beauty competition at kaagad na pinag-usapan at nag-trending ang blooper ni Catriona na tinawag niyang Venezuela ang representative ng Valenzuela.

Si Nicole naman ay ipinakilala si Pinky Webb na isa sa umupong judges, sabay hawi ng buhok nang ipinakilala ito.

Tandang-tanda pa rin ang paghawi ng buhok ni Ms. Pinky nang makipagtalo ito sa interview niya kay Secretary Harry Roque.

Pero ang isa sa mainit na pinag-usapan sa Twitter ay ang napakahirap na tanong ni Kuya Boy Abunda sa kandidata ng Iloilo City na si Laurrie Mendoza. Nasa video si Kuya Boy na nagtanong; “When is it okay not to be okay and when is it not okay to be not okay?”

Maayos namang nasagot ng Ilonggang kandidata ang tanong pero hindi niya talaga natumbok ang sagot sa tricky question ni Kuya Boy.

Sabi niya; “You know, sometimes, it’s hard to move on especially that if we lost our loved ones. When we’re depressed, when we have anxiety, but most of all, when want to move forward in life.

“You know, my favorite saying in a movie Disney, Inside Out—is ‘Embrace your sadness.

“Because in embracing your sadness, you will feel happiness afterwards. Thank you.”

Pinuri naman si Laurrie sa sagot niyang iyon, pero mas napapag-usapan ang tanong na sinasabi ng iba na talagang King of Talk nga si Kuya Boy.

Hiningan namin ng reaksyon si Kuya Boy tungkol dito.

Hindi naman daw ine-expect ni Kuya Boy na mag-trending ang tanong niyang iyon sa Binibining Pilipinas.

“Hindi ko naman inaasahan na mag-trending ‘yung tanong na ‘yun,” pakli niya nang nagkausap kami sa telepono kahapon.

“Kung iisipin mo, that’s not a very difficult question.

“Kung huhubaran mo ‘yung tanong, it’s not a difficult question. ‘Yung phrasing lang nakakataranta,” sabi pa niya sa akin.

Ipinaliwanag niya ang tanong na iyon na madalas na nga namang nagagamit ang “It’s okay not to be okay.”

Aniya; “Naging common line ‘yung ‘it’s okay not to be okay. Ano ang ibig sabihin niyan during the pandemic? It’s an assurance na kung ano man ang pinagdaraanan mo, it’s okay not to be okay, because pinag­daraanan namin iyon. Lahat tayo pare-pareho. It equalized all of us. Kailan hindi okay ang hindi pagiging okay? ‘Pag namamatay, ‘pag may na-intubate, there is so much pain na that consumes you, that paralizes you, ‘yun ang hindi okay. That’s not okay. Ganun lang kasimple iyon. Kaso lang, when I phrased it, mahirap pakinggan. Siyempre, ‘pag nasa entablado ka… you can barely hear. Ang hirap niyan eh.”

Si Kuya Boy ang nag-train sa 34 candidates ng Binibining Pilipinas ng question and answer portion at sinasabi niyang dapat ang dating sa mga sagot mo ay tama.

Kaya tinanong ko na rin siya kung ano ang masasabi niya sa sagot ni Miss Iloilo sa kanyang tanong.

“She started correct. She’s one of my favorites, Iloilo.

“Tama ‘yung umpisa, pero ang dami niyang iniisip, ang dami niyang thoughts.

“Sa bandang gitna… pero ‘yung kanyang first part, she was on track para sa akin.

“Pero pagdating sa gitna ay… pero in fairness to the girl, she sounded right.

“Hindi siya ano na kung ano man ang kanyang pinagsasabi mukhang tama.

“Iyon naman ang pinagsasabi ko sa kanila eh, in international contest kahit anong sagot ‘nyo sound right.

“Pero okay si Ms. Iloilo, she tried, hindi siya natameme.

“She started quite right, medyo nalito lang siguro in the middle. Pero iniahon niya,” saad ng King of Talk.

Congratulations sa lahat na mga nagwagi lalo na sa napi­ling Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold na nakasali na noong 2019 pero hindi siya pinalad na makakuha ng korona na inaasahang maiuuwi niya ang Miss International 2021 crown.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with