_ngayon
^

PSN Showbiz

Suwerte sa karelasyon... Lovi, ginawa ang lahat sa other wife...

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Suwerte sa karelasyon... Lovi, ginawa ang lahat sa other wife...
Lovi

Isa pang masasabing lucky sa karelasyon ay si Lovi Poe na super supportive sa lahat ng ginagawa niya.

As in ayon kay Lovi, pinapayagan siya ni Monty Blencowe na gawin ang mga plano at gusto niya para sa kanyang career.

Kaya naman kahit may pandemic, tuluy-tuloy ang career ni Lovi.

After ng Malaya, may bago siyang digital film na The Other Wife with Joem Bascon and Rhen Escaño.

Mapapanood ito beginning July 16 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV and Vivamax.

Pero surprisingly, ayon kay Lovi, psychological thriller ang The Other Wife at hindi infidelity or unfaithfulness tulad sa mga nauna na niyang movie.

Ang impression kasi sa poster nito, tungkol na naman ang kuwento nito sa pangangaliwa.

“Honestly, when I first got the script and I saw the title na The Other Wife, I was already (hesitant). If it’s another affair movie, parang sabi ko, I think I need to step away from that because I’ve done a lot of affair movies.

“So, sabi ko, parang medyo that’s gonna be a problem kasi I keep doing the same thing over and over again, plus The Annulment then with Joem pa na kasama ko rin dito sa The Other Wife. So, I was really hesitant.

“But the thing is, I read the script and after reading the script, lahat po ng prine­dict ko sa movie, sa script,  hindi nangyari. And that made me want to do it.

“And the fact that it’s an acting piece, ‘yun ‘yung biggest reason kung bakit ko siya tinanggap. And it’s not an affair mo­vie. It’s not what you think,” mahabang paliwanag ng actress sa kanyang solo media conference kahapon via Zoom.

Kaya naman aniya, sana raw ay mapanood ng marami dahil all-out daw talaga ang ginagawa niyang effort dito – ginawa niya ang lahat.

“I practically gave my all here. I didn’t hold back. Medyo na-stress nga ako while watching myself. So, I’m kind of excited for people to watch it,” pag-amin ng actress na may ginagawa ring album kung saan tatlong kanta na ang natapos niya. At ang latest single niya, Lost, na ginawa niya pa sa Amerika with music video na nasa YouTube na sa kasalukuyan.

Sisimulan na rin ni Lovi ang another movie with Carlo Aquino sa Regal Films na siya mismo ang nag-conceptualize.

 

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with