_ngayon
^

PSN Showbiz

Hula, tumalab kina Aljur at Kylie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Hula, tumalab kina Aljur at Kylie
Kylie at Aljur
STAR/ File

Sayang din ang relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla lalo na at may dalawa silang anak.

Sabi ng mga manghuhula, year of separation daw ngayon kaya marami ang nababalita na nagkakaroon ng problema at naghihiwalay.

Pero sana huwag tuluyanng maghiwalay sina Aljur at Kylie dahil mukha naman nagmamahalan talaga ang dalawa at marami na rin pinagdaanang mga pagsubok ang kanilang pagsasama kaya sayang naman.

Sana nga maayos kung konti lang ang problema. Sana huwag nang lumaki pa.

Kahit nung BF/GF pa lang sila Aljur at Kylie laging may mga balita na may  pinag-aawayan sila pero naayos, hanggang ikasal na mga sila.

Mukhang they are really meant for each other, kaya sana maayos pa dahil lumalaking ang cute ng mga anak nila na kawawa naman kung magiging broken family sila.

PG ang peg... sa Japanese resto

Ang saya naman ng intimate birthday lunch natin kay Cris Roque ng Kamiseta Apparel at Skin clinic, Salve. Bago ang naging eating place natin, ang Sushi Shokunin na isang Japanese resto.

For so long na hindi ako nakatikim ng Japanese food dahil lagi tayong sa Annabels, Sourdough at Dean and Deluca, talagang PG (patay-gutom) ang peg ko sa favorite tempura at sushi ko.

Grabe at talagang masasabi ko na bongga ang discovery natin ng bagong eating place natin na nasa Sgt. Esguerra lang at malapit sa ABS-CBN na si Pat P. Daza ang nag-recommend.

Na palagay ko kaya pinili ni Pat-P ang lugar dahil type niyang mag-reminisce ng happy ABS-CBN days niya, hah hah hah.

Pero in all fairness lahat kami nasarapan sa food, thumbs up ang service, very cozy ang place, good for intimate meeting at clean ang restroom.

ALJUR ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with