^

PSN Showbiz

Dalawa pang Kapamilya, pipirma rin ng kontrata sa Kapuso!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Abangan daw next week, may bago na namang pipirma sa GMA 7 na galing ng ABS-CBN 2.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, isang malaking pangalan at ang isa ay puwede na. Hindi naman kasing laki ni Bea Alonzo, pero kilala.

Ang inaayos na raw kasi ngayon ay ang mga bagong drama series para sa susunod na taon.

Maingat sila ngayon sa pagkuha ng mga artista, at tinitingnan pa nila kung may balak ba sa darating na eleksyon.

Jaya, goodbye Philippines na

Tumulak na patungong Amerika si Jaya, para doon na uli manirahan kasama ang kanyang pamilya.

Nung naging co-host si Jaya sa weekly online show ni Pinky Tobiano na Grateful Tuesdays, ibinahagi niya ang lahat ng mga hirap na pinagdaanan niya nung pumutok ang pandemya.

Hanggang sa nag-decide na sila nang asawa niyang si Gary Gotidoc na babalik na sila ng Amerika at doon na uli manira­han.

Nagbenta sila ng ilang property nila rito at iyun ang ginamit ni Gary at ng anak nito papuntang Amerika.

Awa ng Diyos, nakahanap kaagad sila ng trabaho at may nakuha pa silang magandang bahay na inuupahan muna at ikinuwento ni Jaya na gandang-ganda sila sa bahay at kakarerin daw nilang mabili na ito.

Kahapon ay nag-post na ang Soul Diva ng madamdaming post sa kanyang Instagram account. Aniya; “Lord God, it pains me to say goodbye, but I still praise you for all your goodness. I trust your plans for me and my family. We go where You lead us. All glory to You Jesus…now we start on a new journey. I will miss you all. Paalam mahal kong Pilipinas (Philippine flag).

“P.S. My throat hurts from swallowing because I stops me from crying. Pero ok lang, marami akong bitbit na alaala, baon ko para sa sandaling maisip ko ang lungkot, maalaala ko na naging masaya at maayos ang aking inilagi dito.”

Nakapanayam nga si Jaya ng PEP Troika kong si Noel Ferrer at sinabi niyang hindi naman daw ito retirement. Tuloy pa rin daw ang trabaho niya bilang singer.

Nakapag-record pa siya ng isang Christmas song kay Jonathan Manalo at inaasahan niyang matuloy ang concert tour nila ni Lani MIsalucha sa Amerika.

Ang isa pang ipinagdasal ni Jaya ay ang kalagayan ng ating bansa lalo na’t haharap tayo sa isang mahalagang desisyon sa darating na eleksyon. “I don’t care who wins, but sana it’s the leader we prayed for. Let’s also fight for what’s right for us. Let’s speak and let people know what we want. Ang hirap na hindi tayo magsasalita, mawawalan tayo ng freedom in life. Let’s fight for ur freedom always,” pahayag ni Jaya.

Kristoffer at Liezel, split na

Base sa mga ipinu-post sa Twitter nina Kristoffer Martin at Liezel Lopez, mukhang break na sila.

Hindi pa raw ito natatanong kay Kristoffer ng handler niya, pero iyun din ang duda nila.

Meron ding magkahiwalay na post sina Kristoffer at ang dating girlfriend niyang si AC Banzon na kuha sa Panglao, Bohol.

Ang duda tuloy ng netizens na magkasama silang nasa bakasyon sa Bohol.

Sabi naman ni Kristoffer sa nakaraang mediacon niya nang mag-renew siya ng kontrata sa GMA 7 na okay na raw sila ng ina ng kanyang anak.

Nag-uusap na raw sila para sa kanilang anak.

Mas naka-focus na lang daw siya ngayon sa trabaho lalo na’t nandiyan ang anak niyang nagbibigay inspirasyon sa kanya.

Excited si Kristoffer sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento dahil gaganap siyang bading dito na nagku-comedy. First time raw niya sa ganitong role.

Sa July 17 na magsisimula ang bagong sitcom na itong Pepito Manaloto: Unang Kuwento

KAPUSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with