_ngayon
^

PSN Showbiz

Janella, inamin kung bakit matagal silang ‘di nagkasundo ni Jenine

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, inamin kung bakit matagal silang âdi nagkasundo ni Jenine
Janella

Mula nang magbuntis at magkaroon ng anak ay mas napalapit kay Janella Salvador ang inang si Jenine Desiderio. Malaking-malaki na ang ipinagbago ng samahan ng mag-ina kumpara noon. “It’s more of a rocky relationship. ‘Di na kami magkasundo with many things. But ever since I became a mom now, actually I have appreciated her more. And even if minsan ‘di pa rin kami magkasundo. It’s more stable now, our relationship,”pagtatapat ni Janella.

Nagsimula umano ang hindi pagkakaintindihan ng mag-ina noong sumabak na si Janella sa pag-aartista siyam na taon na ang nakalilipas. “It starts not being stable when I was a teenager. I wanted to explore, have fun. And she was scared of me letting go. I’m her only girl. So she was having a hard time accepting that. I entered showbiz when I was 14. So when she started meeting diffe­rent people, parang ‘Oh some people do this pala. They have different lives pala. They party, ganyan-ganyan.’ I never went through a party phase just to be clear. I just wanted to hang out with friends and have fun. Medyo naging strict ‘yung mom ko dati. It would reach to a point na tatakas ako. So she got mad,” kwento ng aktres.

Nanumbalik ang magandang samahan nina Janella at Jenine nang ipagtapat ng aktres sa ina ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Maraming mga bagay ang natutunan ni Janella mula sa mga hindi nila pagkakasunduan ng ina noon. “No matter how independent you feel you are, lalo na as a teenager, no matter how much you feel like you can do it on your own, I feel like you should always make your parents feel like your own independent life, always remember your parents din. Don’t completely cut them off,” pagtatapos ng aktres.

Charlie, nabibilisan sa career

Malaki ang pasasalamat ni Charlie Dizon dahil pagkatapos manalo ng Best Actress award para sa pelikulang Fan Girl sa nakaraang Metro Manila Film Festival at sa The EDDYS ay muli siyang nagbida sa isang proyekto. Simula July 14 ay mapapanood na ang iWantTFC Original Series na My Sunset Girl na pinagbibidahan ng aktres. “Nao-overwhelm din ako sa mga nangyayari or ‘pag sunud-sunod minsan or ‘pag minsan gusto ko mag-prepare din nang matagal for a project. Minsan naiisip ko na mas blessed ako na tuluy-tuloy ‘yung naging trabaho ko and hindi lang ganito ‘yung nae-experience. Kaya imbes na mag-focus do’n sa nabibilisan ako sa nangyayari, mas nagfo-focus ako na grateful ako na meron mga dumadating,” paglalahad ni Charlie.

Si Jameson Blake ang katambal ngayon ng dalaga sa natu­rang proyekto. Nakilala si Charlie na walang permanenteng katambal pero bukas din sa posibilidad kung magkakaroon man. “Depende sa management din or sa project na ibibigay. Ako I’m very open kung ‘yun ang ikagaganda din ng trabaho and okay ako kung ma-partner din ako,” pagbabahagi ng aktres. Reports from JCC

 

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with