^

PSN Showbiz

Sexy actress na hawak ng pulitiko, hindi pinatulan ang alok ng isa ring pulitiko

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang tulog at gising na lang at eleksiyon na. May kani kanyang makina na ng publisidad na ngayon pa lang ay ihinahanda ang mga tatakbong pulitiko.

Ano nga ba ang pinakamabilis na paraan para makilalaat mapag-usapan ang isang bagitong tatakbo? Walang iba kundi ang maugnay ang kanyang pangalan sa isang sikat na artista.

Matagal nang nangyayari ‘yun. Bibigyan ng datung ng pulitiko ang kilalang artista para magpanggap na kunwari ay may relasyon sila ng pulitiko.

Kuwento ng aming source, “Dumaan sa ganu’ng gimmick ang isang magandang aktres na kilalang-kilala nangayon. Bagito ang politician na tatakbong mayor sa isang malaking city.

“Malaki ang naging budget ng pulitiko para sa female personality para lang sumakay sa dramang magkarelasyon sila. Palagi siyang umaak­yat sa entablado de kampanya nu’ng pulitiko!

“Kasama sa usapan ‘yun, e! Bukod sa magpapa-interview silang magkatabi ng politician, kailangang mangangampanya rin ang girl, para kapani-paniwala ang gimmick nila!

“Ano ang ending? Lotlot and friends ang politician, talung-talo. Pero napakalaki ng kinita ng female persona­lity sa pagpapanggap niyang boyfriend niya ang pulitiko!” unang kuwento ng aming impormante.

Heto na ngayon. May isang super-seksing female persona­lity na gustong gamitin ng mga pulitiko para sila mapag-usapan at makakuha ng atensiyon ng publiko.

“Marami nang politicians ang nagpapadala ng alok sa management ng sexy star, ganu’n din ang drama, magpapanggap siyang kiyemerut na meron silang relasyon ng pulitiko!

“Juice colored! Natural, hindi papayag ang sexy star dahil baka sila pa ang bayaran nu’n! Napakayaman niya, hindi siya masisilaw sa mil­yones na ibabayad sa kanya ng mga pulitikong user!

“Saka teka lang naman! Hindi ba nila alam na may karelasyong pulitiko ang madatung na babaeng ‘yun? Matagal na sila, mahal na mahal ng girl ang actor-politician, sa to­too lang!

“Humanap na lang sila ng iba, huwag ang sexy actress na daang milyon ang kinikita sa pinasok niyang trabaho! Humanap na lang sila ng ibang babaeng kakagat sa alok nila ngayong pandemya!

“Hindi kailangan ng datung ng sexy star, never siyang magpapagamit kahit kanino, hindi niya kailangan ng datung at may boyfriend na siyang pulitiko! Iba na lang! I repeat, iba na lang ang hanapin nilang puwedeng gamitin sa eleksiyon!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Boykot, bulok na!

May naganap bang milagro sa pagbabanta ng AlDub Nation na iboboykot nila ang bagong serye ni Alden Richards? Waley!

Magpagulung-gulong man ang mga miyembro ng grupo mula sa Caloocan hanggang sa Baclaran ay walang negatibong magiging resulta ang kanilang pagbabanta.

Masayang-masaya nga ang produksiyon ng The World Between Us dahil sa unang gabi pa lang ng serye ay nakakuha na sila nang mataas na rating. Kinabog nila ang katapatan nilang programa na puro barilan at pata­yan ang iniikutan ng kuwento.

At wala pa si Alden nu’ng lagay na ‘yun, ha? Ang young actor pa lang na si Izzy Canillo ang lumalabas bilang batang Alden.

Ang sabi ng AlDub Nation ay boboykotin nila ang serye, pero bakit nababantayan nila ang mga eksena, bakit nila kinukuwestiyon ang batang Alden na hindi naman tisoy at walang dimples?

Ganu’n ba ang nangboboy­kot? Alam na alam ang mga nagaganap sa daloy ng kuwento ng serye? Akala ba nami’y maglalaba na lang sila at mamamalantsa tuwing alas otso nang gabi bilang hudyat na hindi nila panonoorin­ ang palabas?

Bakit pati ang IATF ay binubulabog nila sa tea­ser ng kissing scene nina Alden at Jasmine Curtis Smith? Ibang klaseng boykot pala ang alam nila, pinanonood pa rin nila ang serye, nagpaplastikan lang pala sila?

Tantanan na sana ng grupong ito ang mga pagbabanta. Parang pinalalabas nila na kapag wala ang kanilang grupo ay babagsak ang anumang show na pinagbibidahan niAlden.

Tama na ang mga ilusyon at halusinas­yon na kapag  hindi si Maine Mendoza ang katambal ng Pambansang Bae ay masasa­yang lang ang kanyang proyekto.

Aysus, 2021 na, ang mga ganu’ng drama ay lumulutang lang nu’ng panahon ng Guy & Pip. Tapos na ang mga ganu’ng drama, hindi na umeepek ‘yun, kaya magsitigil na sila.

Aminin na lang kasi nila ang katotohanan na kahit inahing manok ang itambal ngayon kay Alden Richards ay susuportahan ng ating mga kababayan dahil siya ang pinakasikat na aktor ng kanyang panahon.

Boykot pa more!

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with