_ngayon
^

PSN Showbiz

Aktor na oc, ‘di makapalag sa karelasyong burara sa kama

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Aware kaya itong si kilala at kontrobersyal na aktor na pinag-uusapan ng ilang household staff niya ang kasalukuyang girlfriend na isang kilalang female celebrity?

May pagkaburara raw ang girlfriend na kapag inaayos daw ang kuwarto, naloloka sila sa gulo nito, lalo na ang kama ni aktor.

Sanay silang napakaayos ni aktor sa kanyang kuwarto.

May pagka-OC daw itong si aktor at kahit kagigising lang, ayos na ayos na agad ang kama. Pero magmula raw

nang may girlfriend na siya at madalas na nakakasama niya sa bahay, ang gulo-gulo na raw ng kama at hindi na ganun kaayos ang kuwarto.

Pero in love si aktor, keber na ang pagka-OC. Ang mahalaga ay laging kasama ang magandang girlfriend at masaya siya kapag nakakaulayaw na niya sa kama.

Understandable naman daw dahil siyempre busy sila sa kama. Natural, laging magulo ito.

Lorna, pinag-ingat sa bakuna

Medyo na-tense si Lorna Tolentino nang mabakunahan ng second dose ng anti-COVID-19.

Sa tanang buhay niya, ngayon pa lang siya nabakunahan kaya talagang pinag-ingat siya ng kanyang doktor.

Ikinuwento sa amin ni Lorna na nung first dose niya ay nasa lock-in taping pa siya ng Ang Probinsyano. Natama sa araw na iyon ang schedule niya, kaya sinamahan na lang siya ng staff na lumabas sandali at pumunta ng Mandaluyong para bakunahan.

First vaccination niya sa tanang buhay kaya sinabihan na siya ng kanyang doktor na baka may mararamdaman siyang side effects. “Nag-sore talaga ang arms ko. Namula siya after ma-inject. Tapos lightheaded. Parang merong sinat, pero pag-check normal naman,”  text sa akin ng aktres.

Tamang-tama naman, tapos na ang lock-in taping niya sa second dose niya noong nakaraang Huwebes kaya nakapagpahinga na siya. Sinabihan kasi siya ng doktor na kailangan niyang mag-rest dahil mas malakas ang second dose, kaya pinaghandaan daw niya ito.

“Sa second jab, ikot ikot ng arms para hindi na mag-sore.

“Wala pa akong na-feel na kakaiba.

“Sabi ng doktor… bukas daw. Kaya mag-rest lang daw,” text niya uli sa akin.

Kailangan daw niyang magpahinga pa rin nang bonggang-bongga, dahil bago matapos ang buwang ito ay isasalang na siya uli sa lock-in taping ng Ang Probinsyano.

Nasa pang-9th cycle na ito at medyo matagal daw.

Nakatono na silang hanggang December pa ang taping nila at may mga bagong karakter pang ipapasok.

Ang hindi lang nila alam kung may mababago ba sa ipinapatupad na safety protocols kapag vaccinated na ang lahat ng mga artista at staff sa loob ng lock-in taping.

Golden, mag-aaral muna

Sa mga sumusubaybay sa All-Out Sundays, kapansin-pansin na ilang linggo nang hindi napapanood ang first The Clash champion na si Golden Cañedo.

Umuwi na pala muna siya dahil magpu-focus daw muna siya sa kanyang pag-aaral.

Nabanggit nga sa amin ng current The Clash champion na si Jessica Villarubin.

Na-miss na raw niya si Golden dahil siya raw ang madalas niyang nakakasama kapag nasa studio sila, dahil pareho silang Cebuana.

“Actually po, nagmi-message po ako kay Golden kung kailan siya babalik.

Nung nagwu-work ako... kami ni Golden, kami lagi ang magkasama kasi pareho kaming Cebuana.

“Hanggang ngayon po ay lagi akong nagmi-message sa kanya kung kailan siya babalik,” pakli ni Jessica nang makatsikahan namin sa kanyang contract signing sa GMA Artist Center nung kama­kalawa lang.

Kaya siya ang laging nakasalang ngayon lalo na sa isa sa pinakaaabangang segment sa AOS na Queendom.

Thankful si Jessica sa magandang opportunities na ibinigay sa kanya ng GMA 7. Hindi raw niya akalaing makakasama niya sa isang stage ang mga hinahangaan niyang sina Lani Misalucha, Julie Anne San Jose at Aicelle Santos.

Ang dream na lang daw sana niya ay magka-concert siya na kahit maliit lang at wish niya ng mag-guest at makasama mag-perform sa stage si Alden Richards.

GIRLFRIEND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with