_ngayon
^

PSN Showbiz

Kylie at Aljur co-parenting na ang setup

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dawit ang baguhang aktres na si Cindy Miranda bilang third party sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Nagdenay na si Cindy sa isyung ito ayon sa reports.

May lumabas ding report na dahil umano sa third party sa hiwalayan, hindi naman daw masita ni Robin Padilla si Aljur sa balitang pambababae.

Baka raw buweltahan siya nito dahil nang maghiwalay sila ni Liezl Sicangco na una niyang partner eh, nagkaroon din ng third party!

Sa ngayon, ang co-parenting para sa mga anak ang sitwasyon ngayon nina Kylie at Aljur. Pareho silang tikom sa third party issue, huh!

Pokie, sumabak agad sa drama

Adjusted na ang komedyanang si Pokwang bilang Kapuso artist. Nakalabas na siya sa episode ng Wish Ko Lang at ngayong gabi sa Magpa­kailanman, bida si Pokie sa episode na Nanay Kontesera.

“Masaya po ako now at napaka-grateful sa pagtanggap nila sa akin. Adjus­ted na kasi magaan silang katrabaho at maingat sa kalagayan natin ngayon,” sagot ni Pokwang sa tanong namin.

Kahit sa drama muna siya unang isinalang ng GMA, “Ok lang naman sa akin kasi minahal din ng tao ang aking kakayahan (sa drama) at ngayong nga ay mapapakita ko sa mga Kapuso sa pamamagitan ng episode sa Magpa­kailanman,” sambit pa ni Pokie.  

ALJUR ABRENICA KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with