_ngayon
^

PSN Showbiz

Anak na lalaki ni Willie, lutang ang pagiging komedyante

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak na lalaki ni Willie, lutang ang pagiging komedyante
Juamee at Willie
STAR/ File

Ang galing ng anak na lalaki ni Willie Revillame. Parang ito ang nagmana ng pagiging comedian niya.

Mabilis at very witty sumagot, saka merong confidence na Willie na Willie.

Baka ito na ang papalit sa kanya as host someday, kaya kung ako si Willie, ngayon pa lang isama-sama na niya para get nito ang feel ng showbiz.

Very sharp ang bata, mabilis sa repartee, kaya nang sabihin nito na “everytime nag-aaway kami ni mommy, punta ako sa daddy ko, joke”  na natatawa, alam mo na very witty ang bata.

Ito lang yata ang anak na lalaki ni Willie kaya bagay nga na i-train na maging future Willie Revillame.

Suwerte ni Willie sa mga anak niyang sina Meryll Soriano, at Juamee, at dalawa pang babae dahil nanatiling close sa kanya kahit lumaki sa mga nanay nila.

Mukhang maganda ang pagpapalaki ng nga mother nila kaya hayun, attached pa rin sila sa kanilang father Willie.

Dama ko na may future sa comedy ang anak na lalaki ni Willie, kaya dapat ngayon pa lang training na, para handang-handa sa pagsalang sa Tutok to Win ‘di bah!

Bongga, meron ka nang tagapagmana, Willie, heto na, bigyan na ng jacket iyan, Tutok to Win na, mag-amang Willie at Juamee, wait lang kayo, malapit na.

Mr. Fu at DJ Chacha, magkakaroon ng sariling talk show

Natuwa ako sa balita na may inaalok na talk show para kina Mr. Fu at DJ Chacha. Isa itong magandang project dahil maganda ang combination ng personality nina Mr. Fu at DJ Chacha pag nagkataon.

Napaka-talented ni Mr. Fu, masarap katrabaho, very professional, team player, at walang mood-mood kaya masayang kasama.

Dapat lang talagang mabigyan ng new big break si Mr. Fu dahil mahusay siya sa hosting, ‘di ba paborito siya ni Joyce Ramirez kaya siya ang host ng magkaroon ng media meet ang Thai stars na tulad nila Mario Maurer sa local press.

Sayang nga at hindi nakita ni Kris Aquino kung gaano kasarap katrabaho si Mr. Fu, kundi baka naging paborito pa niyang sidekick at confidante ito.

Dapat lang ituloy ng producer ng talk show nina Mr. Fu at DJ Chacha dahil tiyak na papatok ito dahil swak ang personalidad nila at sure ako na very exciting ang kanilang repartee.

At sure ako na iba ang magiging TF  ni Mr. Fu dito sa talk show nila, mas mataas kesa TF na binibigay ng Take It… Per Minute Me Ganun, hah hah, pero aminin mo, Mr. Fu, iba pa rin ang ambience ng Obra ni Nanay kaya kahit mas maliit ang TF, okey lang, dami namang freebies at mga food na bigla na lang dumarating, at now kilala ka na ni Rita Magdalena o ‘di bah!! Hah hah, goodluck Mr. Fu, basta go ng go, sunggaban lahat ng job, dagdag allowance din iyan ‘pag puwede nang mag-abroad, para dami shopping ni Papa Nurse ha, hindi Nars, hah hah, love you.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with