_ngayon
^

PSN Showbiz

Mylene, matindi pa rin ang galit sa pagkakasara ng ABS-CBN

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mylene, matindi pa rin ang galit sa pagkakasara ng ABS-CBN
Mylene
STAR/ FIle

Mag-iisang taon na ang nakalilipas nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Masakit para kay Mylene Dizon ang sinapit ng Kapamilya network dahil dito rin siya nagsimula at nakilala. “During that time I wasn’t with ABS-CBN. I was with another network finishing a project with them.

I joined the rally. Tinaas ko ‘yung kamao ko for ABS-CBN. Sumugod kami from Cavite talagang pumunta kami. I’ve been with ABS-CBN for years so ang tagal ko na do’n. ‘Yung mga nakakatrabaho ko ngayon from cameraman, gaffer, staff, crew, basta lahat ‘yan matagal ko na silang kaibigan. Kailangan magtulungan na lang tayo para kahit paano naman lahat tayo happy somehow. But I’m still very, very pissed about what happened a year ago. Siguro ‘yung galit ko noon hanggang ngayon pareho pa rin ‘yung level,” pagbabahagi ni Mylene.

Para sa aktres ay talagang malaki ang naging epekto sa sambayanan ng pagkawala ng ABS-CBN sa ere. “Hanggang ngayon malaking kawalan pa rin kasi a big chunk of our company is still not operating ‘di ba? We are still not able to relay lahat ng news na dapat ihahayag natin, I’m still naiinis about it. I’m still going to fight with ABS-CBN para maibalik ‘yon. Nagtatrabaho tayo kasi kasama natin ‘yung mga kasamahan natin sa ABS-CBN. Kailangan nating magkapit-bisig tayong lahat para magkaroon tayo ng trabaho for everybody for the entire company. We’re not just doing this for ourselves. I’m not doing this for myself. I’m doing it for everybody, for the company,” giit ng aktres.

Charlie, sanay na kay Jameson

Simula July 14 ay mapapanood na ang iWantTFC Original Series na My Sunset Girl.

Pinagbibidahan ito ni Charlie Dizon na gaganap bilang si Ciara.

Katambal ng aktres sa bagong proyekto si Jameson Blake na nakatrabaho na rin niya noon sa ilang proyekto. Ayon kay Charlie ay talagang nagtutulungan sila ng aktor upang mas mapaganda ang bawat eksena. “Sa Four Sisters Before the Wedding and nag-MMK din kami na Valentine’s episode.

For me kasi kada bagong project, ibang experience din so may adjustments pa rin kahit matagal na kaming magkasama. Sobrang komportable na namin ni Jameson din, sobrang madali na ‘yung trabaho. Ang nagustuhan ko lang kay Jameson, willing na willing din siya magbigay. Every night nag-i-script reading kami. Kumbaga pina-practice din namin ‘yung gagawin namin kahit paano kung anong atake. ‘Yon yung reason why grateful ako with my partnership with Jameson,” kuwento ng dalaga.
(Reports from JCC)

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with