_ngayon
^

PSN Showbiz

Rep.Camille, gustong magbahay-bahay para sa bakuna

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rep.Camille, gustong magbahay-bahay para sa bakuna
Gorgy, Rep. Camille, Salve at Lolit
STAR/ File

Kaya pala madalas sina Vic Sotto, Pauleen Luna at Talitha noon sa Evia Lifestyle Center kasi ang favorite resto ni Bossing Vic na Japanese food ang specialty ng Evia sa Las Piñas. At si Talitha, noong puwede pang lumabas ang kids na tulad niya nasa Toylandia, ‘yung playground sa loob nito na ngayon ay sarado dahil bawal lumabas ang mga bata.

Naging instant fan naman kami nina Salve Asis at Gorgy Rula ng San Marco Italian resto na very authentic ang dishes.

Bongga ang array ng mga resto sa Evia Lifestyle Center, lahat nandun, from fine dining to Coffee Project, imposible na wala sa loob ang hinahanap mong mga resto o eatery, talagang mahihilo ka sa pagpili.

Pero subukan n’yo ang San Marco dahil ibang-iba ang Italian dishes nila, kahit nga katapat niya ang isang sikat na Korean at Japanese resto na muntik na talaga akong ma-tempt na doon ayain sina Gorgy at Salve na sarap na sarap sa mga Italian food na kinakain nila.

No wonder, ang daming tao, dahil para nga naman iyon iba, sa halip magluto, doon na lang sa mall kumakain ng lunch at dinner ha.

Maa-addict ka talagang mag-standby, lalo ‘pag food lover ka dahil hayan lahat ng pagkain mo, puwede kang pumili. Hindi ba bongga!!

Bukod sa masasarap na pagkain, nakita rin namin sa Evia si Las Piñas Congresswoman Camille Villar na may meeting sa San Marco Italian Resto. At napag-usapan namin ‘yung premyo na house and lot sa lahat ng magpapabakuna na taga-Las Piñas. Sobra nang come on na iyon, libre nang bakuna para maligtas ka sa COVID-19, baka manalo ka pa ng house and lot.

Talagang tutok na tutok pala si Cong. Camille sa vaccination campaign ng kanyang mahal na distrito. Kung puwede lang na mag-house to house siya para maengganyo ang lahat na magpabakuna gagawin niya dahil gusto niya na maging safe ang lahat ng kanyang nasasakupan. Kaya nga sabi ko nga, dapat talaga this time mga bata na ang dapat maging leader natin, para mas energetic, mas aggressive at mas productive ang mga ginagawa.

Imagine mo nang makita natin si Cong. Camille Villar, walang ayos, nakatali lang ang buhok ng rubber band, naka-shirt, at jumping from one meeting to the next, wow talaga. Working lady ang da­ting, very dedicated sa kanyang ginagawa. Lucky people of Las Piñas, they have a very strong, energetic leader.

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with