_ngayon
^

PSN Showbiz

Erich gusto na ring gumawa ng K-drama!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erich gusto na ring gumawa ng K-drama!
Erich
STAR/ File

Mahilig manood ng mga Korean drama si Erich Gonzales. Kung magkakaroon ng Pinoy adaptation ang K-Drama na Mine ay gusto umanong makapagbida ng aktres dito. “’Yon latest K-Drama ko na napanood. I think ‘yon talaga ‘yung isa sa mga role na gusto kong role. Kasi it’s very empowering. If hindi n’yo pa pinapanood, I highly recommend you to watch Mine. Let me know what you think,” pagbabahagi ni Erich sa kanyang YouTube channel.

Samantala, may ilang mga tagahanga ang nagtanong sa dalaga kung kailan nito balak tumigil sa pagiging isang artista. Taong 2004 nang magsimula si Erich sa show business “Parang hindi ko po nakikita ‘yung sarili ko na magqui-quit ako sa showbiz anytime soon or kahit sa future because acting is really my passion. This is something na I really love to do. And for as long as you want me, gusto n’yo pa po akong mapanood, then I am here to stay,” giit ng aktres.

Lou, gusto nang kalimutan si Andre

Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Lou Yanong at Andre Brouillette. Sa ngayon ay hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon ang aktres. “Definitely not, I definitely want to focus on myself more. Focus sa craft ko. It’s something really exciting and it’s something also that I want to explore. Kailangan mong i-prioritize ‘yung sarili mo. Alamin mo kung saan ka masaya, alamin mo kung ano ang nagpapasaya sa ‘yo at hindi lang kung sino,” makahulugang pahayag ni Lou.

Matatandaang unang nagkakilala bago pa nagkamabutihan ang dating magkasintahan sa Pinoy Big Brother noong 2018. Aminado si Lou na talagang naninibago siya ngayon dahil hindi na rin kasama sa mga proyektong ginagawa si Andre. “Sanay ako na magkasama kami lagi and working together. It’s alienating but it’s definitely interesting. I want to keep it that way” dagdag niya.

Ngayon ay wala na raw talagang komunikasyon sa pagitan nina Lou at Andre. Para sa aktres ay mabuti nang naputol ang kanilang pag-uusap upang mas madaling maka-move on. “Hindi kami nakakapag-usap ngayon kasi I feel like that’s for the better because kung nag-uusap kami, mahirap talaga. I feel it also, I think he’s proud of me also, mahirap kung nag-uusap. Baka gumapang pabalik kaming dalawa,” paliwanag ng aktres. (Report from JCC)

ERICH GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with