_ngayon
^

PSN Showbiz

Coco at Julia, lantaran na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kung totoo na lumalabas na ngayon ay together sina Coco Martin at Julia Montes, ang ganda naman.

Matagal din itinago kung anuman ang relasyon ng dalawa kung totoo ngang meron, itong paglabas nila together para na ring validation na totoo nga, they are in a relationship.

Marami naman ang masaya para sa kanilang dalawa, actually nga parang bagay na bagay ang partnership nila dahil pareho silang private.

Kung talagang sila nga, sana maging open na talaga para hindi na kailangang itago pa ang mga kilos.

Dapat ‘pag in love, nakikita ng buong mundo ang ‘yung ligaya n’yong dalawa, at dahil love is the most precious thing dapat ipinagmamalaki, isinisigaw.

Huwag itago dahil masaya ang  lahat para sa inyong dalawa.

Ted & Dj Chacha x TIPMMG

Tuesday na naman  kahapon, Salve. Our happy and smiling day nina Cristy Fermin, Mr. Fu at ang angels na sina Japs Gersin, Tina Roa, PJ at Richie.

Medyo maulan pero bongga at hindi naapektuhan ang ating gamit na WiFi.

Episode 105 na tayo at sosyal dahil sponsor natin kahapon ang programa nina Ted Failon at DJ Chacha na live na mapapakinggan sa Radyo5 92.3 News FM at mapanonood sa One PH Channel 1, at sa Facebook pages ng News5 at Radyo5, alas-6 ng umaga!

Kaloka na ang tiyaga rin ng followers natin na kahit kung minsan nawawala-wala sa screen, wait pa rin sila hanggang bumalik. Kaya naman love na love natin ang followers natin dahil imagine mo ang tiyaga nila sa pagmamahal sa atin ha.

Hindi siguro tatagal ang
TIPMMG kundi sa mga loyal nating followers na talaga namang every Tuesday 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON.

JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with